^

Pang Movies

Lea personal na pinili ang mga guest sa concert

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Lea personal na pinili ang mga guest sa concert
Lea Salonga

Sold-out na raw ang two-night concert ng West End and Broadway star at Sir Olivier and Tony awardee at isa sa tatlong hurado at coaches ng ongoing The Voice Kids na si Lea Salonga na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila (RWM) on August 30 & 31, 2019 at  8 p.m. na pinamagatang Lea Salonga:Perfect 10 which will coincide sa ika-sampung taong anibersaryo ng RWM.

Personally hand-picked ni Lea ang kanyang mga special guests sa kanyang two-night concert tulad ng singer, stage actor at writer na si Michael K. Lee, ang isa sa mga stars ng Ang Huling El Bimbo: The Musical na si Tanya Manalang, ang isa sa sumali sa The Voice Kids nung 2015 na nasa team ni Lea na si Esang de Torres ma­ging ang kanyang teen-age daughter na si Nicole Chen ng Matilda musical play. Ang veteran stage director na si Floy Quintos ang magdidirek nito habang ang nakababatang kapatid ni Lea na si Gerard Salonga ang tatayong musical director kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Si Lea ang nagdala ng bandila ng Pilipinas sa West End at Broadway at maging sa international music scene nang kanyang gampanan ang lead role na Kim sa hit musical play na Miss Saigon na unang ipinalabas sa London at sinundan sa Broadway in New York City, USA.

Speaking of Lea, marami pa rin ang umaasa ng reunion movie nila ni Aga Muhlach pagkatapos ng mahigit 24 na taon after their last movie together, ang Sana Maulit Muli under Star Cinema in 1995 mula sa panulat at direksiyon ni Olivia Lamasan na siyang tumatayong managing director ngayon ng Star Cinema.

Sina Lea at Aga ay unang nagtambal sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal na sinulat at dinirek ni Joey Javier Reyes under OctoArts Films at ipinalabas sa 1992 Metro Manila Film Festival.  Ang nasabing pelikula ang nagbigay kay Aga ng kanyang first Best Actor award at Best Supporting Actor award for Ariel Rivera sa kanyang kauna-unahang pelikula.

Julie Anne ‘di pa handang makita si Benjamin

It was in November 2018 nang unang lumabas ang balita na nagkakalabuan umano ang (dating) magka­sintahang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves ng Kapuso network. January this year naman nang magkasunod na kumpirmahin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay pero hindi sila nagbigay ng detalye ng kanilang break-up.  Months later ay muling nakatagpo si Benjamin ng kapalit ni Julie Anne sa kanyang puso sa katauhan ng modelong si Chelsea Robato.

Although nakapag-move on na rin si Julie Anne, hindi pa umano siya handa ng panibagong pag-ibig dahil mas naka-focus umano siya ngayon sa kanyang singing and acting career.

Si Julie Anne ay regular na napapanood sa musical show na Studio 7 ng GMA every Saturday night.

In one of her interviews, inamin ni Julie Anne na hindi pa umano siya handa na muling makatrabaho ang dating kasintahan.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with