Marian Rivera, Dingdong Dantes
Dingdong ‘di nawawalan ng oras sa foundation
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

Binati ni Marian Rivera ang husband na si Dingdong Dantes sa pagsi-celebrate nito at ng Yes Pinoy Foundation ng kanilang 10th anniversary.

“Congratulations to my husband and @yespinoy Foundation for celebrating their 10th anniversary! I am so proud of you and everything that YesPinoy has achieved.  Your dedication, efforts and passion clearly shows with YesPinoy’s successful projects.”

Kasama nilang nag-celebrate ang mga pamilyang bumubuo ng foundation at mga tagasuporta nila na boluntaryong tumutulong kapag may proyekto sila. 

Nagagawa ito ni Dingdong sa kabila ng pagiging busy niya bilang host ng Amazing Earth, Starstruck at sa pagti-taping na niya ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

Bago sila nagsimulang mag-taping, dumaan muna sa matin­ding military training si Dingdong para sa role niyang si Big Boss or si Captain Lucas Manalo, sa GMA-7.

Winwyn dedma sa bagong dyowa ni Mark, mas lalong gumanda

Maraming netizens ang galit kay Winwyn Marquez sa pagganap niya bilang si Portia sa GMA Afternoon Prime series na Dahil Sa Pag-ibig dahil grabe ang pagiging kontrabida niya sa character na ginagampanan. Pero walang nangba-bash kay Winwyn tungkol sa character niya sa soap.

Pero bina-bash si Winwyn tungkol sa pagkakaroon na ng bagong karelasyon ng dating boyfriend na si Mark Herras sa bagong Kapuso star na si Nicole Donesa. 

Nabuo ang relasyon nina Mark at Nicole habang ginagawa nila ang katatapos lamang na GMA Afternoon Prime series na Bihag, kasama sina Max Collins at Sophie Albert.

Sa mga bagong posts kasi ni Winwyn, kitang mas beauty siya at hindi na skinny. 

February, 2019 nang magkahiwalay sina Winwyn at Mark pero wala raw third party, gusto na lamang nilang mag-focus sa kanilang career. Kasunod nga noon ay pareho silang nagkaroon ng projects sa GMA Network. Ang Dahil Sa Pag-ibig ni Winwyn ay napapanood araw-araw after ng Prima Donnas.

KC babantayan si Frankie sa New York

Nakakatuwang makita sa Instagram posts ni Megastar Sharon Cuneta ang pagba-bonding ng buong pamilya nila, yes, silang mag-asawa ni Senator Kiko Pangilinan at ng mga anak nilang sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel. Nasa New York silang lahat ngayon para samahan si Frankie na doon na mag-aaral ng college. Kaya naman parang laging fiesta tuwing kakain sila sa restaurants, at sama-sama rin silang mag-shopping at mag-grocery.

Ewan lamang kung magpapaiwan pa si Sharon para kay Frankie, o si KC na lamang ang sasama kay Frankie habang nag-a-adjust pa ito roon. Matatandaan na si KC ay ilang taon ding nag-aral ng college sa Paris, France noon.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with