Derek lilipat na sa ipinagawang mansion!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

Plano ng Kapuso actor na si Derek Ramsay na lumipat sa kanyang ipinagawang bagong bahay sa Alabang bago ang kanyang birthday on December 7 dahil gusto niya roon i-celebrate ang kanyang ika-43rd birthday with his family and close friends.

Siguradong imbitado roon ang rumored girlfriend ngayon ng actor, ang kanyang co-star sa The Better Woman na si Andrea Torres.

Four storey ang bagong bahay ni Derek na kanyang pinalagyan ng elevator. Nasa 4th floor ang kanyang magiging receiving area habang ang basement ay nakalaan sa kanyang mga expensive and luxurious cars.

Ipinatayo ni Derek ang bago niyang bahay nung kasintahan pa niya si Joanne Villablanca na naging karelasyon niya for almost 6 years.

Morissette tahimik pa rin sa ‘pananakit’ ng ama!

Hindi tayo privy sa nangyayaring problema sa pagitan ng Cebuana at Kapamilya singer na si Morissette Amon at ang kanyang amang si Amay Amon although maliwanag na hindi umano pabor ang ama ng singer sa kanyang singer-boyfriend at dati ring contestant ng The Voice Philip­pines: Season 1 na si Dave Lamar.

Ang problema ng mag-amang Amay at Morissette ay dumating umano sa pisikalan nang saktan ni Amay ang kanyang anak na naging sanhi ng pag-alis ng singer sa poder ng kanyang pamilya.

Contrary umano sa pinalalabas ng ama na nakikipag-live in daw si Morissette sa boyfriend nito, nakikitira umano ngayon ang singer sa bahay ng kanyang co-manager na si Audie Gemora.

Nagagalit daw ang ama ni Morissette dahil ipinagpalit  sila ng kanyang anak sa nobyo nito.

Sobrang active sa social media ngayon ang ama ni Morissette at dito niya ibinubuhos ang kanyang galit sa anak at sa nobyo nitong si Dave Lamar.

Ang katuwiran naman ng iba, kung totoong mahal ng ama ni Morissette ang kanyang anak, bakit kailangan niya itong siraan sa social media?

At 23, nasa tamang edad na rin naman si Morissette na gawin ang gusto niya without disrespecting his family lalo na ang kanyang ama. Sobra umanong nasaktan si Morissette sa inasal ng ama kaya napilitan daw itong umalis sa kanilang puder.

Tahimik pa rin si Morissette hanggang ngayon tungkol sa issue nila ng kanyang ama.  She’d rather not talk dahil lalaki lamang umano ang problema sa kanilang pagitan.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with