Solenn muntik magpa-IVF bago nabuntis!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

Walong buwan pala na sumubok na mabuntis si Solenn Heussaff bago sila nakabuo ng baby ng mister niyang si Nico Bolzico.

Nakaplano raw talaga na sa kanyang 30’s magbubuntis si Solenn.

“It’s not like it was a surprise or an accident or whatever. I’m 34 also, so it’s that time. I’ve always wanted a kid in my late 30s. I’m not the type that wanted to start early even if I knew that, okay, so many people tell you the older you get, the harder it is. But for me, if you’re not ready, you’re not ready even if you’re never ready,” sey ni Solenn.

Every month daw ay nagtse-check sina Solenn at Nico kung nakabuo na ba sila ng baby. Nagpatingin na rin daw si Nico sa doktor na baka siya rin ang may problema kung bakit hindi sila nakakabuo ng baby.“Every month we were disappointed. Apparently, the more you want, the less it happens. And then parang towards March, I was taking hormone pills kasi medyo slow ako down there.

“Nico got himself checked, I got myself checked. Went to the doctor, saw a specialist. I was even planning, ‘Okay, if by the end of the year there’s none, maybe let’s do IVF or something.’ Like I really wanted this year.”

Noong mag-positive na raw ang pregnancy test ni Solenn, nasa Japan naman daw si Nico. Pinadalhan daw ni Solenn si Nico ng photo ng pregnancy test niya.

Three months daw na tinago muna ni Solenn na buntis siya sa kanilang pamilya. Hanggang sa mag-official announcement na sila noong nakaraang August 10 via Instagram.

Mark panay ang patol sa bashers ni Nicole!

Noong maging official na ang relasyon ni Mark Herras sa former beauty queen na si Nicole Donesa, sunud-sunod ang bashing na natanggap nito sa social media.

Mapagpatol din kasi si Mark dahil sa pagtatanggol niya sa bagong girlfriend.May isang netizen na kinumpara siya sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson na mabilis makahanap ng kapalit na babae.

Hindi nga napigilan na sagutin ito ni Mark ng “Ul*l”

May nagpayo kay Mark na huwag na niyang patulan ang mga bashers dahil hindi raw ito nakakatulong sa magandang relasyon niya ngayon kay Nicole.

Kapwa galing sa failed relationships sina Mark at Nicole sa taong ito. Nag-break sina Mark at Winwyn Marquez noong February 2019, samantalang si Nicole ay nakipag-break sa non-showbiz boyfriend nito noong June 2019.

Nagtagpo ang dalawa sa taping ng GMA afternoon teleserye na Bihag at naging sila noong July 2019.

Nitong August lang, after ng kanilang first monthsary umamin si Mark sa relasyon nito kay Nicole.

SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with