Sunshine hindi nakatulog pagkatapos gumanap na rape victim
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

Naalala nga pala namin, ginampanan ni Sunshine Cruz ang role ng isang rape victim sa isang massacre movie noon na ginawa ni direk Carlo Caparas. Bagama’t masasabing iyon ay fiction story, hindi nga maikakailang ang role ay inspired sa nangyari sa UP student na si Eileen Sarmenta.

Hindi ang rape scene ang naaalala ni Sunshine sa pelikula, kung hindi iyong eksenang matapos siyang lapastanganin ay nakikiusap siyang huwag na siyang patayin, pero pinatay pa rin siya ng mga dumukot at nang-rape sa kanya.

Iyon daw ang eksenang tumama talaga sa kanyang kalooban kaya hanggang ngayon naaalala niya ang hirap ng eksenang iyon sa kanyang ginawa.

“Eh di lalo na kung totoong buhay iyon. Kung ako nga ina-acting ko lang hindi ako nakatulog pagkatapos noon, you can just imagine kung namatay nga iyong tao,” sabi ni Sunshine.

Iyon ang dahilan kung bakit natuwa naman si Sunshine sa announcement na hindi totoong mapapalaya si dating mayor Antonio Sanchez, na akusado sa pagpatay kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez, ganoon din ang iba pa niyang mga kasabwat.

Nauna na riyan, inamin niyang uminit din ang ulo niya nang malaman niyang makakalaya ang dating mayor. Kasi nga noong ginagawa nila ang pelikula, talagang sinabi sa kanila ng researcher kung ano ang nangyari at kinalabasan ng kasong iyon. Inamin nga niya na may panahong natakot siya talaga sa yumaong actor na si Dick Israel na gumanap na mayor sa pelikula.

Isipin mo nga naman, ganoon kalaking krimen tapos pakakawalan nang wala pa sa kalahati ng sintensiya.

Pero maliwanag naman ang batas, at ngayon pati si Presidente Rodrigo Duterte ay nagsabing hindi niya papayagang makawala si Sanchez na ikinasaya ni Sunshine.

Kathryn nadadala lang sa mga leading man kaya box-office palagi ang mga pelikula?!

Nilampasan na raw ng kita ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang record ng pelikula ng KathNiel para tawaging biggest box-office Filipino film of all time.

Kung susumahing mabuti, iyong sinasabi nilang total gross ngayon na 826 million kung totoo nga, ibig sabihin napanood na iyon nang mahigit na 2,848,276 katao. Kung kukuwentahin ang kinita ng pelikula batay sa rami ng nanood, at sa admission prices noong 90’s, ang pelikula ay maaaring kumita noon ng mga 74 million pesos at talo nga maging ang pinaka malaking hit ni Sharon Cuneta.

Ang problema, ano nga ba ang susunod na project ni Kathryn para mai-maintain niya ang ganyang status? Kung hindi mamimi-maintain sa ganyang kita si Kathryn na iba ang partners, lalabas na nadadala lang siya nina Daniel Padilla at Alden Richards. Kailangan kumita rin siya nang ganyan kalaki kahit na hindi ganoon kasikat ang kanyang leading man.

Young actress nawawalan na ng career sa kalandian

Mukhang lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing wala nang kinabukasan ang career ng young actress na tinawag nilang “#malandingbata”. Wala na raw gustong tumanggap ng assignment na gumawa ng ano mang project ng malanding batang ito hanggang hindi natatapos ang kanyang mga controversy.

May nagsasabi pang kahit na raw matapos ang mga maaanghang na usapan, hindi na ito makakabangon pa mula sa pagkakalugmok ng kanyang career.

“Mas mabuti pa na magpahinga na lang muna siya ng mga isa o dalawang taon, at saka na lang siya mag-comeback kung meron pa siyang mababalikan” sabi pa nila.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with