Lovi itatambal kay Gerald!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, feeling ko sa pelikulang In Between Goodbyes ay mas tatalbugan pa ni Marco Gumabao ang pagpapa-sexy niya sa Just A Stranger movie nila ni Anne Curtis.

Siyempre, sa bago niyang pelikula ay hindi siya solo lang bilang leading man ni Lovi Poe (na wala rin namang takot sa pagpapa-sexy), kasama rin doon si Tony Labrusca (na inaasahang magtotodo sa pagpapakita ng katawan).

Sa pelikula nga kasi nila ni Anne ay may butt exposure si Marco, so, sa pelikula kaya nila nina Lovi at Tony, ano ang handang ipakita ni Marco?

Naku, for sure, hindi naman niya ipapakita ang kanyang “pototoy”, ‘noh?! Puwede siguro na mas mahabang butt exposure? Posible!

Anyway, kung si Marco ay balitang sobrang excited na si Lovi naman ang makakasama sa bagong pelikula, ang sexy actress/singer naman, excited din daw na makasama ang Viva contract star, plus si Tony nga.

Ang bongga, Kapuso actress na ang leading men ay Kapamilya actors, huh!

Mas maganda nga kaya ang kahihinatnan nila sa takilya?

Ang bongga rin naman ng In Between Goodbyes dahil si Joel Lamangan ang direktor nila at si Ricky Lee ang scriptwriter.

Oo nga pala, speaking of Kapamilya leading men, may narinig ako na may gagawin daw si Lovi sa iWant ng Kapamilya network.

Sabi, si Gerald Anderson daw ang kapareha roon ni Lovi.

Matuloy kaya ‘yon dahil sa kinakasangkutan intriga ngayon ni Gerald dahil sa panggo-“ghosting” sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo?

Well... at isang pang WELL...

Mga Pinoy sa Vienna, Austria inaasam-asam sina Daniel at Kathryn

Noong nasa Vienna, Austria ako, may mga nakausap ako na nanood ng Hello, Love, Goodbye na ipinalabas doon two weeks ago.

Isang screening lang daw dahil mahal nga ang magpalabas ng pelikula roon saka wala rin naman ang stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sana nga raw kapag gumawa uli ng pelikula ang KathNiel ng mag-sweethearts na Kathryn at Daniel Padilla ay ipalabas doon at magpunta ang dalawa.

Marami rin kasing mga Filipino sa Vienna, something like 12 thousand plus daw ang documented.

And yes, Ateng Salve, marami sa kanila ang nagbabasa ng Pang Masa sa philstar.com, huh!

Ang bongga! (Wow. Super bongga nga ateng. – Salve)

Morissette nagiging panget na ang image dahil sa tatay!

Maraming fans ni Morissette ang nasa-sad at parang natutuon daw sa problema sa kanyang pamilya ang publicity ngayon ng singer.

Pinagpipiyestahan kasi sa social media ang problema ni Morissette sa tatay niyang si Amay Amon.

Sabi ng ibang nagmamahal sa dalaga, ke totoo o hindi ang bintang tungkol sa paglalayas at pagsama raw ni Morissette sa boyfriend na si Dave Lamar, still, nakakasira ‘yon sa image ng singer.

Sana nga raw ay may mag-bridge ng gap ng mag-amang Morissette at Amay.

Agree, Ateng Salve?

‘Yun na!

 

 

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with