^

Pang Movies

Alden nakipag-collab para sa mga bata sa Benguet

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden nakipag-collab para sa mga bata sa Benguet

Kung noong una pala ay nagdalawang-isip pa si Alden Richards na makipag-collaborate sa fashion designer na si Avel Bacudio para sa #AvelXAldenOnZilingo, madali siyang pumayag sa request ni Avel nang malaman niyang ang proceeds ng show nila ay for a cause. 

Sa isang live interview kay Alden before the show, pahayag niya, “pumayag po agad ako kay Avel nang malaman kong every purchase will help the visually impaired kids in Benguet.”  Dagdag naman ni Avel: “naranasan ko nang mabulag for four days noong nasa Baguio ako at doon ko na-realize na ang hirap palang mawalan ka ng paningin. Kaya sabi ko, kapag may show akong gagawin, sa kanila mapupunta ang proceeds ng show.”

At si Alden, tamang-tama raw na ang ginagawa niyang teleserye ngayon sa GMA Network ay mabubulag siya, at sa training pa lamang niyang ginagawa, na nakapiring ang mata niya, napakahirap daw pala na mabulag.  Tomorrow, may isa pa silang show sa Eastwood.

Andrea malapit nang mapagawa ang kanilang bahay

First time magkasama ng Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos sa isang horror movie, ang The Ghosting ng Reality Entertainment. 

First horror movie ito ni Khalil, pero si Andrea, pangalawa na, dahil nakagawa na siya ng Banal movie from APT Entertainment na dinirek ni Mike Tuviera.

“Kaya wala po akong problema nang i-offer sa akin ang movie,” sabi ni Andrea. “Nakita ko na kung paano gumawa ng ganitong genre ng pelikula. Hindi po naman ako matatakutin, kaya chill lang sa mga eksena. Medyo mahirap lamang, draining, dahil sigaw ako nang sigaw kapag ang scene ay natatakot ako.”

“Hindi rin po ako matatakutin,” sabi naman ni Khalil. “May time po na parang nakakaramdam ako, pero wala naman akong nakikita, kaya hindi ko na lamang pinapansin. Pero sana ay panoorin ang movie na dinirek ni Joey de Guzman, dahil talagang nakakatakot.”

Nagkatawanan lamang sa presscon nang tanungin ang dalawa kung original title daw ba ang The Ghosting o kinuha lamang sa hanggang sa ngayon ay on-going issue tungkol sa mga kasama rin nilang artista sa kanilang network. Biniro pa si Khalil kung gagawin daw niya iyon sa girlfriend niya of two years, si Gabbi Garcia na isang Kapuso?

“Hindi po, very open kami ni Gabbi sa aming relasyon at walang sekre-sekreto sa aming dalawa. We support each other sa aming mga project na ginagawa.”

“Ngayon ko po lamang nalaman kung ano ang meaning ng ghosting,” natatawang sagot naman ni Andrea. 

“Ewan ko po sa kanila, basta wala po akong pakialam sa kanila, mas gusto ko lamang magtrabaho. Thankful po ako na nagkakasunud-sunod ang TV shows ko at nakagagawa rin ako ng movies.  Soon, matutupad ko na po ang dream ko na maipagpagawa ng bahay ang family ko, para hindi kami nangungupahan.”

Ang The Ghosting ay ipalalabas na in cinemas nationwide simula sa August 28.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with