Bela natatakot, kinikilabutan sa isyu kay Sanchez, nanghihinayang sa binabayad na buwis!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

Sumali na ang actress na si Bela Padilla sa pa-hashtag na #NoToSanchezRelease kahit na sinabi na ni Justice Sec. Menardo Guevarra na mananatili pa rin sa kulungan ang dating mayor ng Calauan na convicted sa heinous crimes at malabo itong ma-cover sa Republic Act 10592 na puwedeng makalabas ng kulungan dahil sa pinakitang pagbabago ng ugali.

“Nakakakilabot. Nakakawindang. Nakakatakot nang tumira sa lugar na posibleng mapalaya ang ganitong klaseng tao.”

“Hindi na worth it yung buwis na pinapa­sweldo sa mga taong mali mali magdesisyon,” ang pahayag ni Bela sa kanyang IG story.

Sue sanay makakita ng T!

Sanay nang makakita ng t*t* si Sue Ramirez na walang malisya.

Kaya naman sa pelikula nilang Cuddle Weather ni RK Bagatsing hindi na siya nailang / na-awkward.

Ayon nga kasi sa Kapamilya young actress, 11 years silang nag-alaga ng amang na-stroke / paralyzed. Na ultimo pagpunta ng comfort room ng ama ay sinasamahan niya. Lima silang magkakapatid na nagpapalit-palit sa pag-aalaga sa ama na namatay when she was 17. Six years old siya nang ma-stroke ito.

Kaya naman sa ilang eksena nila ni RK na kailangang hubo’t hubad sila, wala nang epekto sa kanya.

So nakita niya ba ang kabuuan ni RK? “Hindi naman lahat. Mga 98% lang,” sabay tawa ni Sue nang makausap ng ilang writer after the presscon of Cuddle Weather na official entry sa gaganaping 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) starting Septermber 13 ng Regal Entertainment.

Sex workers ang role nina Sue and RK sa movie as Adela and Ram na magiging “cuddle partners.” 

Yup, kuwento ng pokpokan ang pelikula na parang exciting panoorin base sa trailer pa lang.

Marami rin silang lovescenes sa movie na kino-consider ni Sue na naging favorite niya sa lahat ng mga eksenang ginawa nila ni RK.

Si Rod Marmol ang direktor ng Cuddle Weather.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with