Marian Rivera
Pagiging selosa ni Marian type na type ni Dingdong!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

Ang pagiging selosa ni Marian Rivera ang isa siguro sa qualities niya na gusto ni Dingdong Dantes.

Legendary ang mga kuwento sa pagseselos ni Marian, at ‘yung iba nga, exaggerated pero ‘yon siguro ang pagpapakita niya ng kanyang love kay Dingdong.

You manifest your feelings in so many ways, isa na rito ang selos. ‘Yung nga lang, ‘yung ibang mga kuwento na lumalabas, medyo wild at over na kaya minsan, idinadaan na lang sa mga biro.

Hindi nagustuhan ng ibang fans ni Marian ang topic na bakit hindi ito nagselos kay Sanya Lopez nang maka-partner ito ni Dingdong sa Cain at Abel.

Kung saan-saan na napunta ang kuwento dahil nabanggit ang ilang insidente at pangalan ng ilang stars.

Knowing Marian, she will just take it with smile, at puwede ko pang biruin at hindi siya mapipikon kaya I hope, huwag masyadong sensitive ang ilang fans, maging open minded din sana sila.

I will never allow anyone to disrespect Marian or Dingdong dahil mahal ko sila. Palagi ko sila na ipagtatanggol dahil kilala ko ang mga tunay na ugali nila, but if sometimes, napag-uusapan ang ilang insidente na para sa akin ay lipas na at wala nang relevance, okey lang.

Mas masarap naman ‘yung nagagawa natin na pagtawanan ang mga bagay na shallow lang. Huwag tayong masyadong seryoso para hindi tayo maka-feel ng stress.

Heart never nagsalita kay Marian

In fairness Salve kay Heart Evangelista, nung nagkasama kami sa Startalk iyon ang kainitan ng war ng fans nila ni Marian Rivera. At masasabi ko, na never ko siya narinig na nagsalita ng masama about Marian, or baka naman iniiwasan din niya na maging topic namin dahil alam niya na close ako rito.

I understand na ‘yun ang feelings ng fans, ‘yun ang love nila sa idol nila pero sana huwag naman maging overboard. Grow with your idol, be positive with them, maging instrument din kayo sa growth nila. Huwag kayong maging daan para magkaroon sila ng hatred sa kapwa nila artista.

Kung may issue, ilaban niyo pero pag tapos na, move on na. Don’t dwell sa mga bagay na magiging hadlang pa para lalong sumikat ang idol n’yo, yung negative vibes, nakakabigat sa balikat, nagiging dahilan para mahirapan kang umakyat.

Show your love by giving love. Hindi yung mahal mo lang ang idol mo, hindi siya ang mundo, meron ding ibang tao sa paligid niya kaya dapat spread out ang love, para maging magaan at positive lahat. 

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with