Juliana nagpaplanong maging abogado
Proud of their only daughter Juliana Gomez, sina Ormoc City Mayor Richard Gomez and his wife, Ormoc City Representative, Lucy Torres, who will turn 19 on September 8.
Kaga-graduate lang ng high school ni Juliana at enrolled na ito sa kasalukuyan sa UP sa kursong Public Administration.
Dream daw ni Juliana to turn lawyer eventually.
Right now, want’s keeping Julianna busy, aside from her studies and being the daughter of two popular public officials, is her fondness for volleyball. She is now a member of the UP volleyball team.
Problemado sa career ni james? Nadine mukhang dehydrated
Tight-lipped si Nadine Lustre tungkol sa desisyon ng boyfriend niyang si James Reid na huwag nang mag-renew ng contract sa Viva Films at hayaan na lang na ang kanyang ama ang mamahala ng kanyang showbiz career.
Kung sabagay, may problema rin si Nadine where her showbiz career is concerned, too. Hindi naging impressive sa takilya ang last film niya with Sam Concepcion, ang Indak.
At mukhang pagod na pagod siya, kung ang pagbabatayan ay the way she looks these days. Mukha siyang dehydrated.
Tuloy, marami ang naniniwalang pinuproblema rin niya si James at ang posibleng mangyari sa showbiz career nito, pag nagkataon.
Andrew E., Janno at Dennis umaasang maaambunan ng suwerte ng Hello, Love…
Second movie pala ni Al Tantay as a director itong malapit nang ipalabas na movie nina Andrew E., Janno Gibbs at Dennis Padilla, ang Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo after the GMA action series, Victor Magtanggol, which had the then rising actor, Alden Richards playing the title role.
The series almost caused the downfall, di man aminin ng mga kinauukulan ng pasikat pa lamang na si Alden.
Well now, of course, Alden is one actor to beat, as his current starrer with Kathryn Bernardo, Hello, Love, Goodbye ay patuloy pa ring tumatabo sa takilya, kahit nearing its fourth week of exhibition, ‘di lang actually dito sa Pilipinas, kung hindi sa ibang bansa rin.
No wonder, dalangin nina direk Al, pati na nina Andrew E., Janno at Dennis, na maambunan din ng suwerte ang kanilang movie.
Kung sabagay, ayon sa Viva Films big boss na si Vic del Rosario, malaki ang kutob niyang tatangkilikin ang pelikula ng manonood.
Three young girls, Louise delos Reyes, Cindy Miranda at Vanessa Wright are featured in Sanggano, Sanggagot’…, which opens in theaters nationwide on September 4.
Maris sunud-sunod ang trabaho
One young star to watch among her contemporaries we think, is Maris Racal. Well, iyon ay based on the number of assignments na meron siya.
She is teamed up with McCoy de Leon in the yet-to-be released Black Sheep movie, Block Z, starring Joshua Garcia and Julia Barretto, plus Ian Veneracion.
Nasa cast din siya ng malapit nang magsimulang series, ang Pamilya Ko na kung saan ay pawang naglalakihang stars ang kanyang makakasama, tulad nina Joey Marquez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Jairus Aquino at JM de Guzman, among others.
Siya rin ang gaganap na young Nora Aunor sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, reunion movie after a while nina Guy (Nora Aunor) at Phillip Salvador kasama si Michael de Mesa. Direction is by Joel Lamangan.
Samantala, kay Albie Casiño naman ini-entrust ang role na batang Phillip.
Kasama rin sa pelikula sina Sanya Lopez, Joseph Marco at Zanjoe Marudo.
And let’s not forget na namamayagpag din si Maris bilang recording star and writer. Naririnig sa halos lahat ng platform ang mga awiting naisulat niya. “Actually, nag-e-excel ako dati sa pagkanta,” ani Maris.
Well, inside Kuya’s house, when she emerged second place to Daniel Matsunaga in one episode of Pinoy Big Brother (PBB), she was known as the singing Sensation of Davao.
Maris was only 16 then. She’s turning 21 on September 22.
- Latest