Kathryn Bernardo at Alden Ri­chards
Hello, Love… panglima sa box office sa indie films na ipinapalabas sa US at Canada
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

Pasok ang Kathryn Bernardo at Alden Ri­chards sa box-office chart ng Comscore. Tanging ito lang ang Filipino movie na nasa Weekend Box-office Chart kamakailan.

Ipinalalabas ngayon sa North American cinemas at sa latest data na ini-release ng Comscore, isang American media measurement at analytics company, nasa fifth spot sa mga independent films na ipinala­labas sa less than 1,000 thea­ters sa US at Canada.

Base ang tickets sales sa nakaraang weekend mula August 16-18 at kumita nang mahigit 442,320 US dollars o P111,610,200-M.

Ibinahagi ang chart ng kinita ng HLG sa Twitter account ng isang Paul Dergarabedian kahilera ang listahan ng foreign films na nakasabayan ng local film.

Patuloy pa ring humahataw sa takilya ang movie na tinatayang aabot sa P1-B ang box-office gross, huh!

Liza sinusundan si Jodi

Balik-Eskuwela si Liza Soberano matapos ipagamot ang kanyang finger injury sa ibang bansa.

Ang announcement ni Liza ay inilabas ng ABS-CBN nitong nakaraang mga araw matapos ibahagi ang litrato niya sa school na papasukan niya.“What I like most about being a student is the joy of discovering new things and apprecia­ting what the world to offer. Glad to be back,” saad ni Liza sa post.

Sa post naman ng school, ibinahagi rin nito na isa sa alumna nila ay ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Gaya ni Jodi, ang kursong psychology rin ang pag-aaralan ni Liza, ang unang kursong kinuha niya last year bago sumailalim sa surgery kaya umatras na sa pelikulang Darna.

ALDEN RI­CHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with