Kris Aquino
May problemang kailangang ayusin sa kapatid, Kris ayaw magpakumbaba kay PNoy
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

Sa latest post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ay sinabi niyang may sakit ang kanyang kapatid na si former President Noynoy Aquino simula pa noong Sunday kaya worried siya since wala raw kasing life partner na nagmamahal at nag-aalaga sa kuya niya and she’s praying sa maagang paggaling nito.

Aniya pa ay tama na raw na isa na lang sa kanilang pamilya ang may mga health issues na of course, sarili niya ang tinutukoy.

“My brother has had stomach flu since Sunday, and he was dehydrated and weak yesterday. Regardless of our last name, kagaya po namin ang maraming mga pamil­yang Pilipino: may mga hindi pagkakaunawaan, may mga pribadong kailangan pang ayusin, may kailangan umeffort magpakumbaba at umamin ng pagkukulang- obviously ako po yun, pero higit sa lahat may respeto at pagmamahal sa isa’t isa...

“A clarification, just more complicated because he doesn’t have a life partner to love and care for him... so just praying Noy gets healthier, soonest. i think it’s enough that 1 of us already has many health issues to deal with,” ang caption ni Kris sa isang short video na ipinost niya na view ng Boracay kung saan sila nagbabakasyon ngayon.

Samantala, hindi naman napigilan ni Kris na sagutin ang isang netizen na nagtanong kung sino ang pumatay sa kanyang amang si former Sen. Benigno “Ninoy” Aquino.

“Hi Ms. Kris, I just want to ask you this. I hope you won’t get mad. Who do you think killed your father? Is it really the previous President Marcos? I am one of those Filipino citizens who is curious about the slaying of your father. I real­ly want to know your thoughts about it. Thank you,” ang komento ng netizen.

Sagot ni Kris, “killed or ordered the killing? i don’t understand people... you tell us to move on, yet you ask a question with such an obvious answer. Sagutin kita ngayon, will the 12 year old me be given a father again? Or would the 1 year old me have been given the chance to grow up in a home with a father? Panahon ko ‘to with my sons... sana yung ninakaw na oras sa ‘kin w/ my father wag mong nakawin sa mga anak ko.”

Last Aug 21 (Wed) ay 36th death anniversary ni Ninoy kaya naman nang araw na ‘yun ay sunud-sunod ang post ni Kris ng paggunita sa kanyang ama.

Victor Silayan busy sa negosyo 

Bagama’t hindi natin madalas napapanood ang hunk na si Victor Silayan sa pelikula at telebis­yon, mukhang happy naman ang aktor dahil busy rin naman siya sa kanyang negosyo.

Pero in fairness, hindi rin naman masasabing napapabayaan siya ng ABS-CBN dahil binibigyan din naman siya ng mga proyekto tulad ng mga guestings every now and then.

Kamakailan lang ay napanood siya sa FPJ’s Ang Probinsyano, Maalaala Mo Kaya at The General’s Daughter. Ngayong Sabado (Aug. 24) naman ay mapapanood ang aktor sa episode ng Ipaglaban mo titled Bagong Salta kasama sina Trina Legaspi, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel at Carlo Lacana mula sa direksyon ni Carlo Po Artillaga.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with