^

Pang Movies

Rocco enlisted na rin na reservist

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rocco enlisted na rin na reservist
Rocco Nacino

Enlisted nang reservist ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa Philippine Navy. Kung matatandaan, bago pa nag-join sa original artista search na Starstruck si Rocco, graduate na siya ng Nursing at nakapagtrabaho na sa Singapore. Pero mas napaboran nga ni Rocco ang pag-aartista kesa ituloy ang kursong pinagtapusan niya.

“Pero sa paggawa ko ng training namin para sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun, nabuksan ng Armed Forces of the Philippines ang mga mata ko para maka-contribute sa ating bansa sa pagiging isang reservist for the Philippine Navy,” pahayag ni Rocco sa interview niya sa Chika Minute ng 24 Oras last Tuesday evening. 

Tuluy-tuloy pa rin ang training nila habang nagti-taping na sina Rocco  bilang si Sergeant Diego Ramos na pinangungunahan ni Dingdong Dantes as the Big Boss, sa direksyon ni Dominic Zapata.

Mga taong nakasama ni Mother Lily hinahanap para sa kanyang pelikula

Nakausap namin si Direk Erik Matti noong 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde na ginanap sa 38 Valencia Events Place, pagkatapos ng celebrity screening ng Mina-Anud na naging birthday presentation ng Regal Entertainment.

Natanong namin si Direk Erik kung kailan siya magsisimulang mag-shoo­ting ng bioflick ng Regal matriarch.“Sa January, 2020,” sagot ni direk Erik.  “Sa ngayon ay nagsisimula na kaming mangalap at mag-interview ng mga taong nagkaroon ng kaugnayan kay Mother Lily. Naghahanap na rin kami ng mga location na gagamitin namin. Gusto muna naming ready nang lahat bago kami magsimula.”

Sino ang gaganap na Mother Lily?

“Si Judy Ann Santos, nung time ng glorious era ng Regal Entertainment.”

Anne ayaw i-pressure ang sarili sa baby

Totoo kayang preggy na rin si Anne Curtis tulad ng sister-in-law niyang si Solenn Heussaff na four months preggy na sa baby nila ni Nico Bolzico? Ayaw daw namang sumagot ni Anne sa tanong, basta happy raw siya na magkakaroon na ng baby sina Solenn at Nico. Hindi raw naman siya tumatangging magka-baby pero ayaw niyang i-pressure and sarili na dahil magkaka-baby na si Solenn, dapat ay magka-baby na rin siya.

“In God’s time, darating din ang araw na iyon,” sabi ni Anne.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with