^

Pang Movies

Joshua at Julia dead end na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua at Julia dead end na!
Joshua Garcia at Julia Barretto

Siyempre doon sa report ng ABS-CBN, kinikilig pa rin daw ang fans nang mag-perform sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa US. May mga narinig din kaming sinabihan nila maging ang news people na huwag nang palakihin pa ang issue kina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Joshua at Julia. Natural naman na ganyan ang angle dahil may isa pa silang tapos na pelikula na magka-love team sina Joshua at Julia.

Palagay nga namin isang “counter measure” na iyong pinalabas nilang sinabi ni Julia na “mamahalin niya si Joshua hanggang sa huling hibla ng hininga niya.”

Pero sa panahong ito, napakahirap mong itago ang katotohanan. Doon mismo sa kanilang news site, nang ilabas nila ang picture ng performance nina Joshua at Julia, umani iyon ng 12,000 dislikes, at 2,000 lang ang nag-like. Maliwanag pa sa sikat ng araw, isinusuka na ngayon ng mga fans iyang Joshlia. Hindi na nila tanggap iyan. Ano man ang gawin ninyo, wala na.

Kagaya nga iyan ng isang nursery rhyme tungkol kay Humpty Dumpty na nahulog sa pader.

Palagay namin dapat sa ngayon mag-move on na talaga. Hindi maikakailang malakas ang naging following noong Joshnella (Joshua-Janella Salvador), kaya kita ninyo, pati ang GMA 7 nagbalasa ng programming dahil inilampaso noon ang serye nina Gabby Concepcion at Jennelyn Mercado. Subukan din nilang gumawa ng JuRard, o GeLia, baka sakaling iyon naman ang kagatin ng mga tao at nang maisalba nila si Julia kung sakali.

Huwag nang humanap ng mga ghostwriter o mga pralala, to save the situation. Beyond salvage na iyan eh. Kailangan sa kanila move on na. Aminin na ang katotohanan, kasi maliwanag kung ano ang takbo ng kaisipan ng masa. Dahil sa mga issue, nasusulasok na ang masa sa JoshLia, wala na iyan.

Panonood ng pelikula kailangang masulit

May kakilala kaming nakapanood daw ng advance screening ng pelikula ni Anne Curtis at Marco Gumabao at nagkuwento sa amin tungkol doon. Eh iyong kakilala namin iyon, alam naming pasensiyoso at matiyaga talaga sa pelikula. Kami nga hindi ganoon kahaba ang pasensiya namin.

Iyang panonood ng sine, aba eh malaking gastos na iyan. Halos tatlong daang piso ang bayad at ang maiisip mo agad, natural masarap na kainan na ang katapat ng halagang iyon. Iyan namang ibina­bayad mo sa sine eh pinaghirapan mo, maliban na lang siguro kung pusher ka o kubrador ng jueteng.

Kaya kami, bago manood ng sine, pinag-iisipan naming mabuti. Hindi madaling kumita ng pera tapos magpapabola ka pa sa panay ang puri sa mga pelikula sa social media dahil lamang sa alam na ninyo kung ano ang nangyayari sa isang press conference o press preview.

Actually kami may desisyon na. This week ang panonoorin namin ay ang Angry Birds 2.

Daniel at Alden mahirap pantayan

Tawa kami nang tawa doon sa nabasa naming suggestion ng mga netizen na gawin daw pelikula ng isang male star. Dapat daw gumawa na lang ng pelikulang kagaya ng Macho Dancer noong araw, o kaya noong Burlesk King dahil iyon lang daw ang pag-asa niyan na may kumitang pelikula.

Sa ngayon mahirap na niyang tapatan sina Daniel Padilla at Alden Richards. Iyang dalawa na ang parang Aga Muhlach at Richard Gomez noong araw. Kaya ang gawin na lang niya, iyong mga kagaya ng pelikula ni Anton Bernardo, baka sakaling doon sumikat siya at kumita ang kanyang pelikula. Basta huwag lang daw Totoy Mola remake, “kasi hindi bagay”.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with