Dennis inaming pinaalalahanan si Gerald
Janno, Andrew E. at Dennis
Dennis inaming pinaalalahanan si Gerald
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 21, 2019 - 12:00am

Julia pinagbakasyon

Hindi pa man nagsisimula ang Q&A portion kahapon sa presscon ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo ng Viva Films, pabiro nang nagpauna ang isa sa bidang si Dennis Padilla na hindi raw totoo ang mga issue.

Tawanan siyempre dahil alam naman ng lahat ang mga issues na tinutukoy niya na walang iba kundi ang kontrobersiya ng anak niyang si Julia Barretto with Gerald Anderson and Bea Alonzo.

Kaya naman first question pa lang ay ito na agad ang tinanong since nagpauna na rin siya.

Siyempre, dahil komedyante rin ang dalawa niyang co-stars na sina Janno Gibbs and Andrew E, puro kalokohan ang hirit ng dalawa at ang binabanggit ay sina Jerald Napoles at Julian Trono na kapangalan nina Gerald at Julia.

Maya-maya ay nagseryoso na rin at sumagot na ng seryoso si Dennis.

“Hindi kasi, kapag anak mo, siyempre, ang una mong gagawin, proteksyonan. So, ang sabi ko sa kanya, ‘huwag ka na munang mag-social media, pahinga ka muna sa social media, mas maganda, magbakasyon ka muna.’

“Sabi ko nga sa kanya, kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaanong busy, ‘lumayo ka na muna sa social media, antayin mo na munang mag-die down kung anuman ang issue.’ So, ‘yun lang ang huli kong nasabi kay Julia,” pahayag ni Dennis.

Follow-up question naman ang tungkol sa pag-uusap nila ni Gerald na napabalita nga recently at kinumpirma naman ito ni Dennis.

“Nag-text muna ako, kasi noong lumabas ang issue, nag-text lang ako. Tapos, tumawag siya, kinausap ko. So, pagkausap ko, niremind ko lang sa kanya, ‘pare, anak ko ‘yan.’ ‘Yun lang. Siguro naman, alam na niya ang lalim nu’n di ba? Lalaki rin naman siya,” sagot ni Dennis.

Nagbiro si Andrew na pagkatapos daw nu’n ay ginulpi na ni Dennis si Gerald at ganting biro naman ni Dennis, “hindi ako pwede ru’n, eh. May military training siya. Nakita ko, eh. Meron siyang military training. Nakita ko sa social media, nakabitin pa siyang ganu’n.”

Sa solo interview ay ito pa rin ang itinatanong kay Dennis at ayon sa komedyante, iniiwasan niya raw talaga sanang pag-usapan ang isyung ito at hindi na nga raw siya nakadalo sa isa pang presscon ng movie niya dahil dito.

“Kasi, napupunta ‘yung topic doon sa issue kaya ‘yun nga. As much as gusto ko magkwento, hindi ko magagawa,” sey niya.

Patapusin na lang daw sana ang showing ng pelikula at aniya, ayaw din niya raw na i-disappoint ang mga reporter kaya sana raw ay maintindihan siya.

Ngayong lang daw sila kasi ulit nagkasama-samang tatlo dahil ang last movie pa nila together ay taong 1995 pa kaya sobrang excited daw sila sa pelikulang ito.

“Masaya ako na nakasama ko ulit sina Andrew and Janno,” sey ni Dennis.

Showing na sa September 4 ang Sanggano, Sangago’t Sangwapo mula sa direksyon ni Al Tantay under Viva Films.

ANDREW E DENNIS PADILLA JANNO GIBBS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with