Aktres nakakahirit pa rin ng malaking TF
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

Nasilip namin sa celfone ng isang manager ang text ng aktres na kanyang talent na kung maliit ang talent fee na ibabayad sa kanya (sa aktres), ‘wag na lang tanggapin ng kanyang manager. Hindi namin nabasa kung anong project ang tinukoy ng aktres, pero nakita naming may contract signing ang aktres sa isang produkto.

But the mere fact na natuloy ang contract signing niya, ibig sabihin, malaki o ibinigay sa aktres ang tf na hiningi ng kanyang manager sa owner ng produkto na hindi namin babanggitin. Malalaman kasi ng manager na nakibasa kami sa celfone niya.

Anway, kahit sa mga teleserye, paborito pa ring kunin ang aktres dahil magaling at propesyonal. Ilang buwan lang siyang napapahinga at may kasunod agad na show. Idagdag pa na mahusay ang kanyang manager, kaya project na ang lumalapit sa aktres.

Anne abala sa advocacy para sa mga bata

In fairness kay Anne Curtis, hindi lang sa showbiz umiikot ang buhay niya dahil may time rin siya sa issues outside showbiz. Naging speaker si Anne sa ginanap na Global Youth Summit sponsored ng Unicef at masaya siyang humarap sa 13,000 attendees.

Sa kanyang post sa social media, sabi ni Anne, nag-share siya sa mga dumalo sa GYS na gusto nila ng Unicef sa importance of “creating and having a safe space for children and youth in communities. Remember, you guys are the future and have the power to make a difference in your own little ways. May you all be the champions for children.”

Sa showbiz side, busy si Anne sa promo ng Viva Films movie na Just A Stranger na showing na bukas, August 21. Sa direction ni Jason Paul Laxamana, kapareha niya si Marco Gumabao. Hindi nagpakabog si Marco kay Anne kahit sa love scenes nila, kaya magandang lumabas ang eksena nila.

Prima Donnas susubukang pasikatin ni Gina

Short, curly and blonde hair si Gina Alajar nang dumalo sa mediacon ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Prima Donnas. Si Gina ang director ng Afternoon Prime na hopefully, kung ano ang nagawa niya sa Onanay ay magawa rin niya sa Prima Donnas na simula na ng airing kahapon after Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Naalala namin, may nagsabing filler lang sana ang Onanay nang ilagay sa primetime slot, pero nag-klik sa viewers at sa rating, kaya na-extend nang na-extend. Dahil din sa Onanay, na-discover at nakilala si Jo Berry at ngayon, si Alden Richards na ang kasama sa The Gift.

Sana nga, magawang big star ni Gina sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with