Alden Richards at Kathryn Bernardo
Hello, Love… kalat na kalat ang mga pekeng kopya!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

HD copy pa

Kung kayo ay makakatanggap din sa pamamagitan ng e-mail o messenger ng HD copy ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, paki-delete po agad at huwag ninyong panonoorin. May ilan, hindi lang isa kung hindi ilan ang nagpadala sa amin ng kopya ng pelikula, siguro sa paniniwalang ikatutuwa naming magkaroon ng kopya noon. Sinabihan na namin silang burahin ang kanilang kopya at tigilan ang pagpapasa noon sa ibang mga tao dahil iyon ay isang krimen. Iyon ay maliwanag na pagnanakaw.

Ang isang pelikula ay ginagastusan ng milyong piso para mabuo. Pero huwag na nating isipin ang mawawala sa producer ng pelikula. Iyang pelikula ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga artista, writer director, at mga maliliit na production workers. Mahigit sa 25 libong tao ang umaasa sa industriya ng pelikula sa bansa. Mawawalan silang lahat ng trabaho.

Huwag na ninyong isipin sina Alden Richards at Kathryn Bernardo, may pera na ang mga iyan. May naipon na iyan na hindi na mauubos maging ng kanilang magiging anak, pero papaano iyong crew? Kung mawala ang pelikula ng isang buwan, sino pa ang magpapakain sa kanilang pamilya?

Ganyan kasama ang piracy, kaya iyan ay isang bagay na hindi namin kinukunsinti kahit na noong una pa. Ilan ang may negosyo noong legal na video shops, na dahil sa mga pirata ng video ay nalugi at ang ipinundar na negosyong inaasahan para sa kanilang pamilya nila ay biglang nawala.

Ngayon ang piracy ay nasa social media na. Kasalanan din ng producers iyan eh, pinalalakas nila ang social media, at ngayon sila ay biktima na rin noon. Hindi kami naniniwala na iyon lang pelikula nina Alden at Kathryn ang biktima ng mga iyan. Tiyak marami na silang pelikulang pinirata. Siyempre hindi naman nila pipiratahin iyong mga indie, ang pipiratahin nila ay iyong commercial films.

Mayroon pa raw sa malls na nagda-download ng mga pelikula, isine-save iyon sa dadalhin ninyong USB Flash drive sa halagang walong pelikula sa isandaang piso. Nakakapanlumo na iyan.

Julia labas sa ilong ang inaming ‘pagmamahal’ kay Joshua

Sinabi ni Julia Barretto sa isang interview sa kanya sa US na mahal niya ang ka-love team na si Joshua Garcia, at mamahalin niya iyon hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga. Ang nag-interview sa kanya ay isang stringer ng ABS-CBN sa America.

Matabang ang dating sa amin ng statement. Okay sana iyon kung wala nang pelikula nila bilang love team na ipapalabas pa. Ang palagay namin, promo lang iyon. Kailangan nilang gawin iyon para maisalba ang isang pelikulang ginawa nila sa isang subsidiary ng ABS-CBN.

Wala ka kasing makitang diwa eh. Sinasabi mong mamahalin mo ang isang tao hanggang sa huling hibla ng hininga mo. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng “pagmamahal”?

Male star nawalan ng career dahil sa pakialamerong tatay!

Ewan kung ano ang kapupuntahan ng buhay ng isang male star. Inalok siya ng endorsement na hindi lamang malaki ang bayad, makatutulong pa para mabigyan siya ng isang magandang exposure pero hindi natuloy iyon dahil ang demand ng tatay niya, doble ng iniaalok na presyo sa kanya. Ngayon dahil daw sa tatay niya, mukhang iniligwak na rin siya ng film company na nagpasikat sa kanya. Nangyari iyan kung kailan nasa all time low ang kanyang career.

Saan pa siya pupunta sa ngayon? Nakakatakot isipin kung saan siya babagsak. May panahon pa namang naka-angat na sana siya.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with