Gerald Anderson
Gerald pinag-iingat ang mga tao sa fake news sa social media
Gorgy Rula (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Pero napangiti nang makita si Julia

MANILA, Philippines — Isa sa nai-post ni Gerald Anderson sa kanyang IG Story ay nasa gym siya.

Sabi sa caption; “Train your mind to be calm in every situation, Long Day

#TheTh3rd”

Ngiti na lang ang reaksyon niya kapag nauungkat sa isyung kinasangkutan niya.

Kagaya nang pagbalik niya sa kanyang bayan sa Gen. Santos City na kung saan naka-military uniform pa siya dahil nagsalita siya roon sa harap ng mga taga-Philippine Army Scout Ranger Regiment.

Sabi ni Gerald sa kanyang Instagram post; “This country…very honored to be able to go Home and bring awareness about peace and terrorism issues…terrorist recruitment of our youth through social media…”

Sinabi pa niyang hindi lahat na nababasa sa social media ay totoo at dapat paniwalaan.

Sabi pa niya; “Be careful of false information. Dapat lagi tayo magri-research bago mag-decide on what to believe… civilians, celebrities, news channels, lets be responsible on what we take & put on social media and other media accounts…wehave to stay united as a country…#teamworkmakestedreamwork Mabuhay #scoutrangers”

Pero doon din sa event na iyun ay may litrato ni Julia Barretto ang lumabas sa wide screen at nagtilian ang mga tao.

Kalmado lang si Gerald na ngumiti.

Iyun na nga siguro ang sinanay niyang maging kalmado na lang at ngitian ang hindi mamatay-matay na isyu.

Sa nakaarang presscon nga ng horror movie na The Ghosting nina Andrea Brillantes at Khalil Ramos, tinawagan ang isang taga-online entertainment news na nagtanong kung nabanggit pa ba si Gerald sa presscon.

Sana huwag na lang daw magamit ang kontrobersyal na aktor sa promo ng pelikulang iyun dahil wala naman siyang kinalaman sa The Ghosting na magsu-showing na sa August 28.

Sinabi naman naming walang nabanggit na Gerald o ni Bea Alonzo o Julia sa presscon, pero napag-usapan ang nausong termino sa lovelife ni Khalil, at pati si Andrea nahingan din ng komento.

Sabi naman ni Khalil, never daw na magka-ghosting sila ni Gabbi Garcia.

Pahayag ng young singer/actor; “I’m mature enough to handle different situations and to actually communicate whatever I feel, I think it’s very rude for one to do that.

“I’m all for communication. Kami nga ni Gab lagi naming pinag-uusapan na ang gusto namin sa relationship namin is…that is really built on a foundation where communication is valued talaga. Like, if may maramdaman ka, just tell it to me straightforward and to be objective whatever that is. So, we could find solutions.”

Sabi naman ni Andrea; “Bata pa naman po kasi ako. So, madami pa po akong makikilala ata ngayon mas focused po ako sa trabaho ko, and sa dreams ko, and ngayon po magpapatayo pa ako ng bahay.

“Mas madami pa po akong priorities. If ever man po gawin sa akin yun, bahala siya, Iniwan niya ako eh.

“Bahala ka diyan. Iiyak ako pero let go.”

Bioflick ni Mother Lily uumpisahan na ang research

Sa August 21 na ang showing ng pelikulang Mina-Anud na bale birthday presentation na rin ni Mother Lily Monteverde na nagdiriwang ng kanyang 80th birthday ngayong araw.

Hindi na naghanda si Mother ng malaking selebrasyon pagkatapos niyang magkaroon ng magarbong celebration nung nakaraang taon.

Sa mga Chinese daw kasi, mas pinaghahandaan nila ang 79th birthday na ginagawa na nilang 80.

Ngayong taon ay eksaktong 80 years old na si Mother Lily, at tamang-tama lang din ang pinaplano ni Dondon Monteverde na gawin ng Reality Entertainment niyang isapelikula ang kuwento ng buhay ng Regal matriarch.

Nagsimula nang mag-interview ng mga resource person ang research team, at isa nga si Manay Lolit Solis ang nakatakdang interbyuhin ni direk Erik Matti.

Nag-senti tuloy si Manay Lolit dahil naalala niya ang mga kasabayan niyang sina Tito Douglas Quijano at Tito Alfie Lorenzo na laging kasa-kasama ni Mother Lily nung nagsisimula pa lamang ang Regal.

Anyway, mamayang gabi ay magkakaroon naman nang pagtitipon ang mga nagmamahal kay Mother Lily para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Magkakaroon muna ng celebrity premiere ng Mina-Anud sa Greenhills Theater ng alas-singko ng hapon at pagkatapos nun ay tutuloy na sa Valencia Events Place para sa birthday celebration ni Mother Lily.

Happy birthday Mother!        

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with