Kris
Kris biglang nag-back out sa pelikula
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Takot na mag-flop?

Pinag-uusapan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz kung bakit ayaw nang ituloy ni Kris Aquino ang K(Ampon) just because hindi na ito pang-Metro Manila Film Festival lalo pa’t sinasabi niya parati na gustung-gusto niya ang script nito.

Kung talagang gusto ni Kris kasi ang movie na tulad ng sinasabi niya, pwede pa rin naman nila itong ituloy kahit pa hindi na ito entry sa MMFF at ipalabas na lang nila before of after the festival.

May nagkomento tuloy na baka naman daw natatakot si Kris na mag-flop ang pelikula kung hindi ito pang-MMFF.

Well, kung kami ang tatanungin, sayang ang pelikula kung hindi itutuloy ng Quantum Films. Kung ayaw ni Kris gawin ay pwede naman siyang palitan, di ba naman?

Khalil nangakong ‘di iiwan si Gabbi

Dahil The Ghosting ang titulo ng horror film nina Khalil Ramos at Andrea Brillantes na showing na sa Aug. 28, natanong sa actor/singer kung narasanan na rin ba niya ang “ghosting” or kung nagawa na niya ito sa isang babae.

Sa mga hindi nakakaalam, ghosting is a millennial term defined as “the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication.”

Ayon kay Khalil, sa tingin daw niya ay nagawa na niya ang “ghosting” bago pa man naimbento ang term na ito.

“Because of immaturity, I guess, when I was young, meron kang girl na gusto mo, kakausapin mo, pero eventually, totorpehin ka, tapos, hindi mo na kakausapin,” sabi ni Khalil sa presscon ng naturang movie.

Pero ngayon daw na matured na siya para i-handle ang iba’t ibang sitwasyon at makipag-communicate, there’s no way na raw siguro para magawa pa niya ito.

Para kay Khalil ay napaka-importante ng komunikasyon sa isang relationship kaya naman he and girlfriend, Gabbi Garcia make it a point na talaga raw laging magkaroon ng communication despite the fact na magkahiwalay sila ng network.

“Ako, I’m all for communication. Kami nga ni Gab, lagi naming pinag-uusapan na ang gusto namin sa relationship namin is that it’s really built on a foundation where communication is valued talaga.

“Like if may nararamdaman ka, just tell it to me straightforward and be objective whatever that is, so we can find solution,” sey ni Khalil.

Kaya never daw talaga niya itong gagawin kay Gabbi at feeling daw niya ay hindi siya makakatulog kapag ginawa niya ito.

“Buong pamilya niya siguro ang magagalit sa akin kaya hindi ko gagawin ‘yun. And I guess, there wouldn’t be an opportunity to do that din, kasi like, if ever i-attempt ko, wala, kakausapin ko talaga siya.

“Kasi ganu’n kami sa relationship. If may problems kami, like even the slightest problem, we communicate talaga, eh. Kung baga, nababalanse talaga namin ‘yung emotions and being objective para healthy ang relationship,” saad ni Khalil.

Two years na rin ang relationship nina Khalil at Gabbi and very happy raw sila.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with