Nova Villa
Nova Villa pinalitan si Gloria
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Si Nova Villa muna ang pumalit kay Gloria Romero sa Daig Kayo ng Lola Ko. Hindi kasi puwedeng mag-taping si Tita Glo dahil sinusumpong ito ng vertigo kaya na-confine siya sa ospital.

Ipagdasal natin ang quick recovery ni Tita Glo na matagal nang may vertigo pero gumagaling naman. Ngayon lang uli sinumpong si Tita Glo ng kanyang sakit kaya ipina-confine na siya sa ospital na hindi kalayuan sa bahay niya sa New Manila, Quezon City.

James sumikat nang husto sa Viva

Nag-babu na si James Reid sa Viva dahil gusto niya na mag-concentrate sa kanyang music career.

Maayos naman daw ang pagpapaalam ni James at ng tatay nito sa kanyang home studio na binigyan siya ng malaking break sa pelikula, TV at recording.

Kung hindi dahil sa Viva, hindi magnining­ning ang bituin ni James. Hindi rin matutupad ang lahat ng kanyang mga pangarap para sa sarili niya. Hindi rin siya makakatulong sa kanyang pamilya.

Dahil sa Viva, walang kahirap-hirap na naka-penetrate sa showbiz ang mga kapatid ni James na sina Lauren at Jack Reid.

I-wish natin ng good luck si James sa bagong chapter ng kanyang career pero marami talaga ang nanghihinayang sa pag-alis niya sa Viva.

MMFF mas magiging exciting

Nadagdagan ang excitement sa darating na Metro Manila Film Festival sa December dahil babantayan ng lahat ang magiging kapalaran ng mga pelikula na kasali.

Inaabangan kung ano ang pelikula na ipapalit ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival sa (K)Ampon, ang horror movie ni Kris Aquino na hindi na matutuloy dahil sa isang lumitaw na problema.

Hinihintay din kung papasok sa MMFF ang Tripol Trobol, ang action comedy movie nina Coco Martin, AiAi Delas Alas at Jennylyn Mercado.

Bongga nga ngayon ang local movie industry na muling sumigla dahil sa box office returns ng Hello, Love, Goodbye.

Hinuhulaan kung alin sa official entries sa Metro Manila Film Festival ang matutulad ang kapalaran sa pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Exciting festival indeed, kaya ihanda n’yo na ang pambayad sa sinehan dahil marami ang pagpipilian.

Kris tanggap ang nangyari sa Kampon

Personal na tinawagan ni Derek Ramsay si Kris Aquino para i-console ang aktres na broken-hearted dahil sa kinahinatnan ng (K)Ampon na nagsimula na ang shooting pero hindi na makakasali sa Metro Manila Film Festival.

Hindi kasi agad na-inform ng producer ng pelikula na si Gabby Concepcion ang ipinalit kay Derek bilang kapareha ni Kris.

May chance pa naman na matuloy ang (K)Ampon kung pipilitin ni Derek na maisingit sa busy schedule nito ang shooting ng (K)Ampon.

Pero tanggap na ni Kris na kung hindi ukol, hindi talaga bubukol dahil may mga sign na siya na nakita na hindi na niya dapat ipilit na matuloy ang (K)Ampon.

Masyadong mapamahiin si Kris at naniniwala ito sa feng shui kaya kapag may na-feel siya na hindi tama o kakaiba, hindi na niya ipinaglalaban.

Nagpakatotoo si Kris sa Instagram post nito na

“I know you were seeing a happy and energized Kris again (those FB views couldn’t have been lying), that’s because I had something special to look forward to. 
“Nakakahiya kasi nadamay pa si Gabby Concepcion. Boy Abunda always said “honor your pain” and that’s what I’ll do, I won’t force myself to pretend okay ang lahat. You & I deserve much more than the pretend version of me. SEE YOU... WHEN I AM ME AGAIN.”

NOVA VILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with