Prima Donnas masusubukan na
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Huhusgahan na ngayong hapon ang heartwarming tale about family and love among siblings, ang Prima Donnas, after Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Tampok ang tatlong teen stars ng GMA Network, sina Jillian Ward as Donna Marie, mabait at nangakong aalagaan ang dalawang kapatid na si Donna Belle (Althea Ablan), ambisyosa at malakas ang loob at si Donna Lyn (Sofia Pablo), soft spoken at mediator nina Marie at Belle.

Kung madalas daw na umiiyak sila sa eksena, off-camera naman ay beshies o parang magkakapatid na silang tatlo, iisa ang tent na gamit nila sa taping kaya naman tuluy-tuloy ang bonding nila at nagkakatulungan sila sa mga eksena.

Katrina excited magpasampal kay Aiko

Si Katrina Halili, after makabilang sa Starstruck avengers sixteen years ago, in 2003, mahusay na kontrabida ang roles na gina­gampanan niya. 

Kung nagsisimula siya sa isang teleserye na mabait, nauuwi rin ito sa pagiging masama ang role niya. Kaya inamin ni Katrina na talagang nanibago siya sa role niya sa bagong sisimulang teleserye ng GMA Network, ang Prima Donnas.

“Mabait po ako rito bilang surrogate mother ng tatlong Donnas sa Prima Donnas,” kuwento ni Katrina sa mediacon. “Ang kontrabida rito ay si Ms. Aiko Melendez, na makakalaban ko rin sa pagtatanggol sa tatlong batang isinilang ko. Ang nakakatawa, akala ko nang i-offer sa akin ang teleserye, ako ang kontrabida kaya for a change, nagpagupit ako nang maikli at nagpa-color ng hair. Tapos sabi nila, si Ms. Aiko ang kontrabida, as Kendra.

“Masaya ako dahil nag-request din ako sa GMA noon na bigyan naman ako ng ibang role, para mag-explore. Natuwa ako na pinagkatiwalaan nila ako rito. Kaya excited na rin ako na api-apihin at sampal-sampalin ni Ms. Aiko.”

Loveless pa rin si Katrina, kahit magse-seven years old na si Katie, ang anak nila ni Kris Lawrence.  Wala ba siyang balak magkaroon ng boyfriend?

“Okey naman kami ni Kris at puwede niyang maka-bonding ang anak niya. Tanggap naman namin na hanggang friends na lamang kami. Sa pagkakaroon ng boyfriend, ngayong malaki na si Katie, open na rin akong magkaroon ng suitor. Pero hanggang date-date lamang, mas gusto ko iyong group date, ayaw ko ng kami lamang dalawa ang lalabas. Kung may manliligaw, kailangan iyong magugustuhan siya ni Katie at iyong kaya rin niya kaming buhayin.”

Pang gabing serye ng GMA, may pagbabago

Kung may bagong aabangan sa afternoon prime, mamayang gabi ay may pagbabago rin sa line-up ng sinusubaybayan ninyong tele­serye. Magkakaroon ng switch ang dalawang programa. After ng 24 Oras, kasunod pa rin ang epic-serye na Sahaya nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, pero susundan na ito ng romantic-comedy series na Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, at pagkatapos saka naman mapapanood ang sexy drama series na The Better Woman nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Tiyak na maraming matutuwa sa switch dahil matagal ng itong hinihingi ng netizens.

PRIMA DONNAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with