Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli
Sarah at Matteo hindi matitibag ng mga tsismis!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Inaasahan ng mara­ming tagahanga ni Sarah Geronimo na maghahakot muli ito ng napakaraming parangal sa nalalapit na 32nd Awit Awards na gaganapin sa October 10, 2019. Isa kasi siya sa nominado sa category ng Best Performance by Female Recording Artist para sa kanta nitong Isa Pang Araw na ginamit bilang soundtrack sa pelikula niyang Miss Granny, bukod dito ay nominado rin siya bilang People’s Voice Female Artist.

Samantala, para sa fans na hindi pa nakakapanood, ang ginawang concert ni Sarah G. na This 15 Me na talaga namang dinumog ng daan-daang fans ay mapapanood na sa Netflix.

Maganda ang nangyayari sa career ngayon ng Popstar Royalty, pero hindi pa rin siya tinitigilan ng intriga. Kamakailan lang ay nasangkot sa isyung ‘nambabae’ diumano ang kanyang current boyfriend na si Matteo Guidicelli habang nasa Cebu ito. May marathon daw kasi doon ang nobyo.
Tikom ang bibig ni Sarah sa nangyari pero nakakasigurado naman ang fans ng AshMatt na hindi basta-basta nagpapaapekto ang dalawa sa mga tsismis.

Matibay ang relasyon nina Sarah at Matteo, kasal na lang ang hinihintay.

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with