^

Pang Movies

Aktres bitter pa rin sa ex!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang tsikang parang may sariling mundo ang isang aktres nang kasama pa ito sa isang bagong showbiz project.

Kung panay raw ang bonding ng ibang cast, si aktres daw, nasa isang sulok lang at hindi raw nakikipagtsikahan.

Irita nga raw ang isang much senior actress dahil doon.

Sabi naman ng isang nagtsika sa akin, baka raw kasi “naninimbang” si aktres dahil ‘yung aktor pala na bida sa project na ‘yon ay nakarelasyon niya.

Eh, kasama nga rin kasi nila sa project na ‘yon ang aktres na girlfriend naman ngayon ni aktor.

Baka hindi type ni aktres na may sariling mundo kapag nakikita niyang loving-loving si aktor sa aktres na karelasyon ngayon?

Well...

Yam walang isyu sa pagiging kontrabida

Ang tsika sa akin, nasa New York pa si Yam Concepcion at nagbabakasyon after ng two days fiesta show nila ni JC de Vera sa New Jersey.

Pero pauwi na raw si Yam.

Pagdating sa bansa ni Yam ay sisimulan kaagad niya ang taping ng Love Thy Woman kung saan ay may pagkakontrabida ang role niya sa KimXi love team nina Kim Chiu at Xian Lim.

Marami ang excited na si Yam ang pumalit kay Erich Gonzales sa Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Magaling si Yam at mukhang wala naman sa kanyang issue ma­ging kontrabida man ang role niya kina Kim at Xian!

‘I love Joshua’ ni Julia ‘di bumenta!

Napansin n’yo ba, medyo nabawasan na ang “init” ng Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto issue?

Pero parang hindi rin masyadong “kinakagat” ang dialogue ni Julia sa isang interview na, “I love Joshua!” at mamahalin niya ito hanggang sa last breath niya.

Well...

Regine-Sharon concert kinasasabikan na

Selling like hotcakes ang tickets para sa Iconic two-night concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum on October 18 & 19.

Marami ang excited sa pagsasamang ito nina Shawie at Regine!

Siyempre, mas excited ang Megastar at Asia’s Songbird na finally ay magkasama na sila sa isang concert!

‘Yun na!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with