^

Pang Movies

Korina, Kuya Kim at Dyan, nagsanib-puwersa sa paggawa ng basketball court!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas inspirado at ganadong maglaro ng sports ang mga kabataan sa Brgy. Sto. Rosario-Silangan sa Pateros dahil sa pagpapaayos na ginawa ng mga programang Rated K, Matanglawin at Sports U sa kanilang basketball court.

Iprinesenta ng ABS-CBN, sa pangunguna ng anchors na sina Korina Sanchez-Roxas, Kuya Kim Atienza at Dyan Castillejo, ang pinagandang court sa barangay kamakailan lang.

Nasubukan naman ito agad ng Batang Silangan basketball team, na nakalaro pa ang kampeon ng Maharlika Pilipinas Basketball League na San Juan Knights, ang mga pambato ng Pilipinas sa 3x3 basketball, at ang Kapamilya artist na si Young JV.

Sabi ng manlalaro na si Gabriel Diesma, mas nae-enjoy na nilang maglaro ngayon dahil ligtas nang gamitin ang court. “Iwas disgrasya. Walang lubak at hindi madulas ang sahig.”

Dagdag pa ng teammate niyang si Dwayne Magallanes, dinarayo na rin ito ng mga taga ibang barangay. Bukod kasi sa pulidong pasilidad, may magandang mural ding ipininta sa paligid ng court ang grupong Mural Art PH na naka­dagdag pa sa ganda ng lugar.

Ayon kay ABS-CBN News ecosystem head Ces Drilon, nai­sip nilang gawin ang proyekto upang makapaglingkod sa mga Pilipino maliban sa karaniwang paghaha­tid ng balita at aliw ng Kapa­milya network.

“Gusto naming mag-iwan sa kanila ng isang bagay na magmamarka sa kanilang buhay. Sa pagpapaayos ng court, binibigyan natin sila ng lugar kung saan puwede silang magsama-sama at maging aktibo para sa kanilang kalusugan,” aniya.

Sa pagdating ng Rated K, Matanglawin, at Sports U sa kanilang bagong court, may dalang kanya-kanyang gimik at handog sa mga taga-Silangan ang bawat programa. Namigay ng mga tsinelas sa mga bata si Korina, ipinakilala rin ni Kuya Kim ang kanyang mga kakaibang alagang hayop, at nanguna naman sa Zumba si Dyan.

Bago pa ang basketball makeover sa Pateros, nagsanib-puwersa na rin ang mga programa nina Korina, Kuya Kim at Dyan sa pagbibida sa mga kabataang may kahanga-hangang galing at kabutihang asal sa kampanyang Ayos Ka Kid.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ-ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with