^

Pang Movies

Khalil at Gabbi walang problema sa network war

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Khalil at Gabbi walang problema sa network war

Kakaiba ang tandem nina Khalil Ramos at Andrea Brillantes sa mystery-horror movie na The Ghosting na first directorial job ng baguhang director na si Joey de Guzman under Reality Entertainment nina Erik Matti at Dondon Monteverde na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa August 28.

Parehong Star Magic ang namamahala sa respective career nina Khalil at Andrea pero ang nobya ng singer-actor ay isang Kapuso, si Gabbi Garcia.

Ayon kay Khalil, hindi umano isyu sa kanila ni Gabbi na nasa magkaribal silang TV station.

As to Khalil and Andrea’s first team-up, hindi naman sila magka-loveteam sa pelikula kung hindi magkakilala at magkaibigan ang kanilang ginagampanang role.

Hindi naniniwala si Ken (Khalil) sa isang mysterious house at sa batang may bitbit na manika na walang ulo at humihingi ng tulong sa mga dumaraan kung paano siya makakauwi sa kanilang bahay. Ang sinasabing bahay ay isang misteryosong pulang bahay at ang bata lamang ang nakakakita nito at maging ang kanyang nagiging biktima.

Hanggang sa si Grace (Andrea) ay mag-disappear .

Jeric Raval gustong pagsama-samahin ang 9 na anak

Nag-early dinner kami ni Patricia Javier last Friday evening sa Concha’s Garden Café in Quezon City na pag-aari ni Alden, nang lumapit sa mesa namin ang dating action star ng OctoArts Films na si Jeric Raval na kasama ng ibang grupo. Sandali itong umupo sa aming mesa at nakipagkuwentuhan.

Tulad ni Patricia, si Jeric ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA).

Inamin sa amin ni Jeric na meron na siyang siyam na anak ngayon. Lima sa kanyang real wife na si Holiday at tatlo naman sa (dating) actress na si Monica Herrera at isa sa kanyang ex-girlfriend na naka-base sa Japan.

Ang panganay na anak ni Jeric sa kanyang real life (in San Fernando, Pamanga) ay 27 at months lamang umano ang pagitan ng kanyang panganay na anak kay Monica.

Kapag nag-50 umano siya, balak ni Jeric na pagsama-samahin ang kanyang siyam na anak (sa tatlong babae) para magkakila-kilala ang mga ito.

Bago nag-showbiz si Jeric in 1990  ay may asawa na siya although mas na-identify siya kay Monica as his real wife.

Nananatili umano silang magkaibigan ni Monica hanggang ngayon dahil sa kanilang tatlong anak.

Thankful si Jeric na hindi siya nawawalan ng proyekto ngayon sa bakuran ng ABS-CBN at me­ron siya ngayong bagong TV series na sinimulan.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with