^

Pang Movies

Controversial member ng isang group, naisabong sa pagiging feeling sikat sa mga beterano

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nasita ng isang TV executive ang isang controversial member ng isang group na napapanood sa isang noontime TV show.

Ang topic kasi ng usapan ay ang hindi pagiging magalang ng ilang young stars sa veteran stars.

“Hindi puwedeng idahilan na nahihiya kayo kaya hindi kayo bumabati sa veteran stars. Mas nakakahiya na hindi kayo ‘yung unang mag-approach.

“Mas nauna ang mga ‘yan sa industry na ito, kaya kahit pa sikat kayo ngayon at maraming followers sa social media, kayo pa rin ang dapat na unang mambati bilang respeto sa mga dinatnan n’yo na sa industry na ito,” sey ni TV executive.

Tama!

‘Yun na!

Alfred hindi nagtagal sa New York

Nasa New York City na ang cast ng MNL-HK-NY (Manila-Hong Kong-New York) movie na pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao and directed by Mac Alejandre.

Ayon sa actor/politician na si Alfred, nakasabay nila sa flight pa-New York ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Nag-post nga si Alfred ng picture nila ni Sharon na natuwa raw nang makita sila.

Sabi pa ni Alfred tungkol sa shooting nila sa New York, “Six days lang ang shoot namin dito sa New York. Sa Friday, tapos na kami.”

Sandali nga lang daw siya sa New York dahil marami rin siyang dapat asikasuhin sa congress bilang representative ng District 2 ng Quezon City.

“Will be back in the Philippines soon,” sabi pa ng actor/politician.

Priority ni Alfred ang pagiging representative, pero kapag may magandang movie project like MNL-HK-NY ay tinatanggap pa rin naman niya.

Si Ricky Lee ang sumulat ng script ng pelikulang ito.

Aktres na nangakong iiwanan ang BF para sa career, hindi nakakatiis

Naaliw ako sa aktres na ito.

Dahil nagpapaka-active na uli siya sa showbiz, nakipaghiwalay na raw siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na isang businessman.

Mas tututukan na raw niya ang kanyang career.

Pero sa isang event niya, nagulat ako dahil nakita ko na naman ‘yung guy.

Hindi rin pala kaya ni aktres na hiwalayan ‘yon.

Mahal daw kasi niya at hindi naman daw ito nakikialam pagda­ting sa kanyang showbiz career.

Well...

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with