Dinaan sa kanta Gerald gustong makipagbalikan kay Bea?!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 18, 2019 - 12:00am

Nagpapahiwatig ba ng paghingi ng tawad at reconciliation si Gerald Anderson sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo sa kanyang recent post sa Instagram Story?

Makikita sa IG Story ni Gerald na tila nasa kotse siya at sa background ay tumutugtog ang awiting Much Has Been Said ni Bamboo.

Tamang-tama kasi ang sitwasyon nila sa lyrics ng kanta na tungkol sa magkarelasyong nagkahiwalay at gustong magsimula ulit ng guy.

Parte ng lyrics naming narinig sa car ni Gerald sa video ay ang mga lines na ito:

“Much has been said, said you’d never leave, why’d it have to be harder than it had to be?

“Much has been said. Well i never learned. Keeping my fingers crossed. Praying for my luck to turn. But i can’t complain. I’m living it easy. Job’s keeping me busy, I’m going crazy.

“Start over again, this time, this time let’s do it right, Start over again but this time this time let’s keep the fires burning.”

Lakas ng kutob namin na para kay Bea ang kantang ‘yun na pinapatugtog ni Gerald.

Andrea nakuha lahat ng pinagdasal

Very thankful si Andrea Brillantes sa sunud-sunod na blessings and opportunities na dumadating ngayon sa kanya but at the same time ay natatakot din daw siya.

“To be honest, ‘yung sinabi ko talaga kay Lord, ‘Lord, thank you, pero natatakot ako kasi ang dami mong binibigay. Mamamatay na ba ako?’ ‘Yun ang sabi ko sa kanya,” natatawang sabi ni Andrea sa presscon ng bago niyang horror film with Khalil Ramos, ang The Ghosting.

“Kasi, parang it’s too good to be true,” dagdag pa niya.

Pero aminado rin naman siyang ipinagdasal niya lahat ng suwerteng dumarating na ito sa kanya.

“Ilang years ago, lahat ng meron ako ngayon, ipinagdasal ko talaga. At pinaghirapan ko talaga na makarating ako dito ngayon. Alam ‘yan ng family ko kung gaano ako naghirap, ang dami kong breakdowns, sa CR ng ABS (ABS-CBN), dami ko talagang pinagdaanan.

“Kaya ngayon, bawat blessing, tsine-cherish ko talaga at sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Lord na meron ako nito ngayon. At lagi kong sinasabi na hindi ko ito pababayaan at mas lalo ko pang gagalingan.

“Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal sa akin at sa lahat ng sumusuporta sa akin ngayon,” sabi ni Andrea.

At aminado rin ang teener na napakalaki rin ng naitulong sa kanyang career ng ongoing drama series niya sa ABS-CBN na Kadenang Ginto kung saan nga ay gumaganap siya bilang Marga na talaga namang hit na hit at puring-puri ng mga tao ang kagalingan niya bilang aktres.

Ngayon nga ay tinatawag na siyang Princess of Daytime Drama kaya sobrang saya niya at pinangarap daw niya talaga noon pa na magkaroon din ng titulo tulad ng kanyang idolong si Kathryn Bernardo.

Nakakatuwa rin na malaman na ngayon ay nakatakda nang magpatayo si Andrea ng pinapangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya.

Samantala, second horror film ni Andrea ang The Ghosting at ang una ay ang Banal na ipinalabas kamakailan lang. Kaya natutuwa naman siya na bukod sa drama ay nakakagawa rin siya ng ibang genre naman.

Showing na ngayong August 28 ang The Ghosting na directorial debut ni Joey de Guzman hatid ng Reality Entertainment.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with