^

Pang Movies

Produ ni Kris, movie on na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Produ ni Kris, movie on na?!

“Moving on. No looking back.

“We will get there,” ang post kahapon ni Atty. Joji Alonzo na producer sana ng pelikula ng (K)Ampon starring Kris Aquino and Derek Ramsey na pinalitan ni Gabby Concepcion.

Walang banggit kung saan tungkol ang nasabi niyang post pero ang hula ng karamihan ay tungkol sa naging denial ng MMFF Executive committee sa request nilang pagpapalit ng leading man.

Naunang lumabas ang isyung si Gabby na ang papalit kay Derek sa naturang pelikula sa social media nang i-announce ni Kris.

Baka nga tama talaga ang intuition ni Kris  na wala sa kanyang suwerte ang August (ghost sa mga Chinese).

Imagine nga naman, nangyari na naman ngayong buwan ang sana’y inaasahan niyang movie comeback for MMFF 2019.

Dingdong may bagong ‘life story’

Simula na ngayong araw ang pagpi-feature ng top-ra­ting infotainment program ni Dingdong Dantes na Amazing Earth sa GMA 7 ng mga fascinating stages of life ng mga animal featuring BBC’s special nature documentary sa Life Story.

Yup, may dagdag sa programa ng aktor kaya naman hindi rin napipigilan ni Dingdong ang excitement sa mga nadi-discover na mga most breathtaking sceneries and protected areas of the country which are featured on the show every week at ngayon nga may ‘life story’ pa.

“’Yung pinupuntahan namin mostly mga protected areas, mga kasuluk-sulukan na hindi natin aakalaing maganda. Yung mga discoveries na ganoon linggo-linggo nakakatuwa dahil kahit na may iba akong ginagawa sa TV, bina-value ko to kasi educational siya and at the same time, nae-enjoy ko. Parang nagbabakasyon ako every week,” Dingdong said na handang-handa na sa local adaptation ng Descendants of the Sun.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with