^

Pang Movies

Takot pag-August Kris nagpahiwatig tungkol sa dying

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kanyang latest Instagram post, nagpaha­ging si Kris Aquino about dying lalo pa nga’t hindi raw talaga maganda ang buwang Agosto para sa kanila dahil sa nasabing buwan parehong namatay ang kanyang mga magulang na sina former Senator Ninoy Aquino and former President Cory Aquino.

Nag-post si Kris ng larawan niya at present and same photo na ginamitan niya ng face-aging application. Aniya ito raw ang hitsura niya kapag 70 na siya at ‘yan ay kung aabot daw siya at that age.

“Happy Friday... please swipe to see me at 70... kung hindi umabot at least may idea na ko. (anyway, i’ve admitted, August is tough... Mom died Aug 1, 76 years old. Dad was killed Aug 21, 50 years old only... kaya tanggap na tanggap ko that tomorrow is never promised, we must only have FAITH & continue hoping in the goodness of GOD.),” caption ni Kris.

Pinayuhan naman siya ng isang netizen na i-enjoy na lang ang buhay at huwag nang isipin ang kamatayan.

“Only faith in God can tell Kris. (hearts emoji) just enjoy life and dont think about death (hearts emoji) we are all destined to die,” komento ng isa niyang follower.

Sey naman ng isa, “don’t say that. You will live long pa.”

Ang isa naman ay tila nagbigay na ng kanyang tribute at komento niya, “Ms. Kris come what may , it will never be changed na minsan sa buhay namin na may isang Kris Aquino na nagpasaya ng buhay namin at naging inspiration bilang mga momshie.We love u Ms. Kris and God Bless.”

Anak ni Jennylyn kay Patrick pinagkaguluhan sa IG!

Pinagkaguluhan sa Instagram ng netizens and celebrities ang birthday photos ng anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz who has just turned 11 yesterday, Aug. 16.

Simple lang ang naging pagbati ni Jen sa anak. Aniya sa caption, “Happy birthday, my handsome little man. Don’t grow up too fast.”

Sa comments section ay iisa ang komento ng mga netizens – napakaguwapong bata ni Jazz at artistahin din ang dating which is true naman. Habang lumalaki nga ang bagets ay nagiging carbon copy na siya ng amang si Patrick Garcia.

Kitang-kita rin sa mga larawan na nagbibinata na talaga si Jazz at nawawala na ang aura ng pagiging bata. May nagkomento nga na next heartthrob daw ang bagets.

For sure ay proud na proud naman ang Love You Two actress sa mga positive comments sa kanyang anak.

Solenn ayaw malaman ang gender ng magiging anak

Four and a half months nang preggy si Solenn Heussaff and she revealed na una niyang nalaman na buntis siya noong bumalik na ang karakter niyang si Lianne sa Love You Two and that was last May.

“The first day na bumalik si Lianne as hippy, I was already pregnant. So, I was taping the whole time, my first three months,” pahayag ni Solenn sa kanyang panayam kay Nelson Canlas ng GMA-7.

When she learned that she was pregnant ay napaiyak daw siya sa tuwa at niyakap niya ang kanyang dog dahil that time ay wala ang mister niyang si Nico Bolzico at nasa ibang bansa.

“I sent him a picture of my test, nasa Japan siya. Tapos sabi niya, “read it to me, what does it say? I don’t understand, yes, no, yes, no?” Tapos sabi ko, “yes.” Tapos I was calling him na, tapos sabi niya, ‘don’t call me, I’m in a bus full of people, I don’t know how to react, I don’t know what to say.’ Ganu’n siya. Nakakatawa,” kuwento ni Solenn.

Dahil nga 4 ½ na, may gender na ang kanilang anak at alam na raw ng doktor niya pero ayaw daw nilang malaman at gusto raw nilang hintayin ang mismong araw ng panganganak niya para surprise. Kaya wala raw silang “gender reveal” at baby shower na magaganap.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with