^

Pang Movies

IsKoNek labag sa Epal Law...

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
IsKoNek labag sa Epal Law...

May libreng wi-fi na sa inayos na Bonifacio Shrine sa Lawton, Manila.

May naka-schedule ring libreng sine si Manila Mayor Isko Moreno, ito ang pelikulang Bonifacio, Ang Unang Pangulo.

Minsan kaming pumasyal sa Bonifacio Shrine. Malinis na ito at walang amoy. May isang sasakyan nga lang doon na matagal na yatang natengga kaya flat na ang mga gulong at kailangan na itong i-tow para lubos na walang eyesore sa lugar.

‘Yun nga lang, tila may hindi nagkagusto sa pangalang inilagay ni Mayor Isko sa kiosk ng w-ifi – IsKoNek. Eh sa unang araw ng pag-upo ng mayor, pinatanggal niya ang mga pangalan ng mga pulitikong naka-display sa poster o tarpaulin ng paaralan at barangay halls!

Labag daw sa tinatawag na Epal Law ‘yung ganoong pagdispley ng pangalan at pictures ng incumbent elected officials.

Naku, dapat ayusin ng advisers ni Mayor Isko ang pangalan ng nakalagay sa kiosk ng wi-fi, huh!

Sharon at Miel nagpigil umiyak sa pag-alis ni Frankie

Pinigilan ng mag-iinang Sharon Cuneta, Frankie at Miel Pangilinan ang mag-iyakan sa ipinalabas na chikahan nilang tatlo sa YouTube channel ng Megastar na The Sharon Cuneta Network.

Aalis na kasi papuntang New York City si Frankie para doon mag-aral ng college. Ayon sa pahayag ng panganay nila ni Senator Kiko Pangilinan, kukuha siya ng kursong anthropology.

Gustuhin man ni Shawie na dito sa bansa pag-aralin ang anak dahil marami ring magagandang eskuwelahan dito, hinayaan niya ang gusto ng anak.

“Basta sa ikabubuti ng kalagayan ng ating anak, hayaan nating ang gusto nila ang masunod at hindi ang gusto natin,” saad ni Sharon sa video.

Once na matapos si Frankie ng college, hahalili naman si Miel na nasa high school na ngayon at balak din mag-aral abroad.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with