^

Pang Movies

Maja gusto nang makatuluyan ang dyowang businessman

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maja gusto nang makatuluyan ang dyowang businessman

Maja Salvador is hoping na ang kasalukuyang boyfriend na nga niyang si Rambo Nuñez ang kanyang makatuluyan.

Kilalang-kilala na raw nila ang isa’t isa, considering that this is their second time around na maging magkarelasyon. Yes, they were already together noong kanilang kabataan. Noong mga panahong, in the case of Maja, ay nagsisimula pa lamang siyang gumawa ng pangalan sa showbiz.

Ngayon ay successful businessman na si Rambo.

Todo rin ang suwerte ni Maja where her showbiz career is concerned. Sa kanya nakasentro ang series na The Killer Bride.

And to top it all, close friends muli sila ng kanyang dating best friend na si Kim Chiu.

No need to discuss anew the reason why, for a time, they mutually treated each other na parang ‘di sila magkakilala.

Naging ‘ghost’ victims sila both ng isang lalaking kapwa nila minahal.

Do we still need to identify who the guy is?

Geoff may nakaraan kay Aljur dahil kay Kylie

Nagkaroon pala ng slight na ‘di pagkakaunawaan sina Geoff Eigenmann at Aljur Abrenica. Nangyari ito when they were both younger.

May kinalaman din daw dito si Kylie Padilla, na ngayon ay misis na ni Aljur at kasalukuyang buntis sa kanilang second son.

Their eldest, Alas, is now two years old.

In the case of Geoff naman, dalawa na ang anak nila ng singer na si Maya Flores, isang babae, si Arabella, at lalaki na pinangalanan nilang Augustus.

Hands on both daw sila ni Maya, according to Geoff, bilang magulang especially daw noong si Arabella pa lamang ang kanilang anak. Kusa raw silang ‘di kumuha ng yaya, kaya, salitan silang inaasikaso ang anak. Kahit pa may personal individual schedule sila.

Pero, ngayon daw, with Augustus, kumuha na sila ng makakatulong na yaya. Hindi na kasi siya puwede, ani Geoff, makasalitan kay Maya sa pag-aasikaso sa kanilang bunso.

Full-length ang kanyang role sa kasalukuyang series, The Killer Bride, which he topbills, along with Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia, among others bukod pa sa challenging.

Besides, bukod kina Maja, Janella at Joshua, mga beteranong perfor­mers ang kanilang co-stars gaya nina Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Jobelle Salvador, James Blanco, Lara Quigaman, Cris Villanueva at Dominic Ochoa, among others.

Now trending, The Killer Bride is directed by Dado Lumibao.

Dennis gusto na ring maging direktor

In time pala, type ni Dennis Trillo na maging director sa movies at TV. However, gusto niyang kumuha ng formal studies para rito.

Ayon kay Dennis ay nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang ilang magagaling na direktor. But he would rather not name names, as they know, who they are, susog pa ni Dennis.

Bilib si Dennis sa director ng kanyang malapit nang ipalabas na Cinemalaya movie na Mina-Anud na si Kevin Go.

Hanga raw siya sa flow ng movie, lalo’t nagkataong very now ang theme nito. Tungkol ito sa mga prohibited drugs na ipinaaanod sa dagat. Na kung minsan, napupunta sa kamay ng mga inosenteng tao, who, when, later, nare-realized the amount of money it could bring them, natuto ang mga itong gumawa ng masama.

Parehong mga simpleng mamamayan sa isang mahirap, ngunit tahimik na isla, nakatira ang mga karakter na ginagampanan nina Dennis at Herald Napoles kasama ang kani-kanilang pamilya.

Nag-iba ang kanilang buhay at natukso ng husto sa pera, dahil sa ‘di inaasahang pagdagsa ng droga sa kanilang lugar.

Ang galing ng performance nina Dennis at Jerald. Pati na si Matteo Guidicelli. Pati na ng mga co-star na sina Alvin Anson, Mara Lopez, pati na ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dionne Monsento.

“Sana, maraming manood ng Mina-Anud,” ani Dennis.

Ang Regal Entertainment ang magri-release ng Mina-Anud.

Correction, please…

August 19 at hindi August 20 magtu-turn 81 si Mother Lily. Ka-birthday siya ng dating Philippine President na si Manuel Quezon.

The late King of Philippine Movies, si Fernando Poe, Jr., ang magbi-birthday ng August 20.

August 22 naman ang birthday ni Phillip Salvador.

Happy birthday sa kanila!

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with