Ruru may hugot sa unang kanta
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 17, 2019 - 12:00am

Singer na singer na ang  Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid matapos ang release ng kanyang first-ever solo single na pinamagatang Nawawala sa ilalim ng GMA Music kahapon.

Komposisyon nina Kettle Mata, Roger Alcantara at Enzo Villegas, ang Nawawala ay isang kantang puno ng hugot na kukurot sa puso ng mga makikinig.

Kwento ni Ruru, natuwa siya sa areglo ng kanta at sa lyrics nito dahil may maganda itong mensahe. “The first time na binigay nila sa akin ito, nagulat ako talaga. Ang ganda at damang-dama. Everytime na may ginagawa tayo sa buhay natin, ia-apply natin yung mga natutunan natin sa past.”

Kinilala ni Ruru ang impluwensya ng kanyang ama na mahilig sa music dahil miyembro ito ng isang banda noon.

Hindi rin baguhan si Ruru sa pagkanta dahil nakapag-record na siya ng kanyang Let the Love Begin at Sa Yakap Mo na theme song naman ng Sherlock Jr., kung saan ka-duet niya ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Inilunsad na rin ang music video ng Nawawala na dinirek ni Miggy Tanchanco kung saan tampok ang Kapuso star na si Kelley Day sa FB page at YouTube channel ng GMA Music kahapon. Ang nasabing kanta ay napapakinggan na sa Spotify at Apple Music.

Pelikulang Mulan pinabo-boycott ng mga nagpo-protesta sa HK

Pinabo-boycott ng mga protesters sa Hong Kong ang pelikulang Mulan.

Ito ay matapos magbigay ng suporta ang bida sa ipapalabas na live-action movie ng Disney na si Liu Yifei ayon sa report ng cnn.com.

“I support the Hong Kong police. You can all attack me now. What a shame for Hong Kong,” sabi niya sa kanyang Weibo account na sikat na social media platform sa China.

Inaakusahan ng mga de­monstrator sa Hong Kong ang paggamit ng matinding puwersa ng mga ito para puksain ang mga nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa ayon pa sa report ng cnn.com.

Ayon sa ibang nagpo-protesta, sinusuportahan diumano ng actress ang nangyayaring police brutality at sinasabing isa siyang American citizen.

Sa March 2020 pa nakatakdang ipalabas ang pelikulang Mulan.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with