^

Pang Movies

Pinatatayong bahay ni John Lloyd sa Cebu, matapos pa kaya?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pinatatayong bahay ni John Lloyd sa Cebu, matapos pa kaya?

Totoo nga siguro ang sinasabi nila, mayaman ang pamilya ni Ellen Adarna at hindi niya kailangan ng anumang financial assistance / support mula kay John Lloyd Cruz at malamang totoo rin ang sinasabi ng “isang kaibigan daw ni Ellen” na mas mayaman siya kesa kay John Lloyd.

Pero dapat alalahanin ng mga nagsasabi niyan na hindi lamang pera ang kailangan ng isang anak mula sa kanyang mga magulang. Kailangan pa rin nilang maka-identify sa kanyang mga magulang. Hindi puwedeng ang nakikita lamang ay ang kanyang nanay o ang kanyang tatay lamang. Mahalaga sa bata ang pagkalinga ng kapwa magulang.

Mukhang mas tama nga ang naunang sinabing meron silang co-parenting agreement. Ibig sabihin gagampanan nila kapwa ang kanilang tungkulin sa kanilang anak, bagama’t silang dalawa ay wala nang relasyon. Maliwanag din sa ngayon na dahil sa mga takbo ng usapan, hindi nga totoong nagpakasal na silang dalawa noon pa.

Kung ano man ang mangyayari at mapagkakasunduan nila lalo na may kinalaman sa kanilang anak ay mga bagay na personal at walang kinalaman sa kanilang career bilang artista. Siguro kung ano man ang mapagkakasunduan nila, sila na ang bahala roon. Pero ang alam nating lahat bago pa nanganak si Ellen ay naghanda na si John Lloyd na hindi ba pati ang pagpapatayo niya ng magiging sarili nilang bahay? Dahil kung hindi ba dahil kay Ellen at sa kanilang anak, bakit naman magi-invest nang ganoon si John Lloyd sa Cebu,

Hindi pa kumikibo si Ellen o si John Lloyd tungkol sa nangyayari sa kanilang relasyon. Ang naririnig naman nating positibo ay tinitiyak na nga nilang babalikan ni John Lloyd ang kanyang career bilang isang actor.

Sana nga iyon ang mangyari.

Diego nagpaparamdam na

Ang isa pang mukhang nakahanda nang magbalik sa kanyang career ay si Diego Loyzaga. Iyong pagiging visible niya nitong nakaraang araw sa social media ay maaaring masasabi ngang simula na uli. Maganda na ang takbo ng career ni Diego noon at umaangat na siya nang magkaroon ng kaunting problema at alam naman natin kung ano ang nangyari.

Napag-usapang pagpahingahin muna siya. Buti naman at in top condition na ulit siya ngayon.

Aktor maraming tinatagong anak

Mukhang shocked pa ang isang kolumnista na bukod sa kanyang mga anak sa kanyang live-in partner ay may nabuntis pa palang beauty queen ang isang actor. Noong mabuntis si beauty queen, dinala sa US at iniwan na roon. Sabi ng isang vete­ran actress, isang pastor daw ng kanilang “church” ang nag-alaga sa beauty queen hanggang sa makapanganak. Pagkatapos noon wala nang balita, kasi nga may ka-live-in na ang actor kung kanino may tatlo na rin siyang anak. Bukod iyan sa mga anak niyang legal.

Na-shock pa iyong kolumnista, hindi pala niya alam ang nangyaring iyon more than three years ago na.

Matagal na naming blind item iyan. Kasi wala namang gustong umamin. Eh aaminin nga ba niya ang mga bagay na iyon, hindi ba kilala naman ang actor sa pagtakas sa kanyang responsibilidad kahit na sa totoo lang marami naman siyang pera para panagutan ang lahat ng iyon.

Ganoon yata talaga ang buhay.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with