Heaven magiging Kapuso na?!
Heaven Peralejo
Heaven magiging Kapuso na?!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 16, 2019 - 12:00am

Nabalita noon na naging magkarelasyon sina Kapamilya young actress Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao, anak ni Senator Manny Pacquiao at naging topic ng usapan ang break-up nila.

Kaya nagulat ang aming source nang makita niyang kausap si Heaven ng ilang executives ng GMA. Kasama raw ni Heaven si Katrina Aguila, na kilalang tumutulong sa mommy niyang si Becky Aguila sa pagma-manage ng kanilang mga talent. 

Kaya ang tanong, lilipat daw ba si Heaven sa GMA Network?

Max ready nang magka-baby

Matatatak na kay Max Collins ang kanyang afternoon prime drama series na Bihag na grand finale na ngayong Friday, after Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. 

Nang i-offer daw sa kanya ang serye, hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin, kahit after reading the synopsis ay nakita na niya ang mahirap na role na gagampanan, kasama na ang pisikalan nila ni Reign (Sophie Albert). Pero ang hindi raw niya makakalimutan ay ang pagmamahal ng ina bilang siya as Jessie, sa kanyang anak na si Ethan (Rafel Landicho).

After Bihag, ready na si Max na maging nanay ng magiging baby nila ng husband na si Pancho Magno at magagamit daw niya ang mga natutunan niya sa serye.

Vivian Foz at Ariosto Reyes Jr. bumalik ng ‘Pinas para sa MPK

Natatandaan pa ba ninyo ang actors na sina Vivian Foz at Ariosto Reyes Jr.? Pareho nang nasa USA, bumalik sila matapos tanggapin ang offer ng Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco na gumanap sa isang special episode titled Mula Puso Hanggang Sa Buto: The Blisse Cervantes Story.

Unang nagtambal sina Vivian at Ariosto sa first episode ng Lovingly Yours noon ng namayapa nang si Helen Vela in 1980. 

Parehong mahusay na artista, si Ariosto ay mahusay ding singer at hanggang ngayon ay kumakanta pa rin siya kapag naiimbitahan. Kasama niya ang anak niyang lalaki sa mga gig sa Florida, in Miami. Si Vivian naman ay isang Certified John C. Maxwell Coach, Trainer & Speaker ng John Maxwell Team sa San Mateo, California. Noong nandito pa si Vivian, bukod sa pagiging actress, isa rin siyang dentist.

Gagampanan nina Vivian (Elsa) at A­riosto (Boy) bilang mga magulang nina Blisse (Joyce Ching) at younger brother nito na parehong isinilang na may rare bone disease, ang Osteogenesis Imperfecta. 

Brittle ang bones nila na naging dahilan ng deformities kaya hindi sila nakalalakad at naka-wheel chair lamang sila sa pagpasok sa school.  Sa mga dumating na pagsubok sa kanila, kasama ang pagkamatay ni Boy sa lung cancer, nanatili ang pananalig nila sa Diyos.

Nag-graduate si Blisse na Magna Cum Laude at ang buhay niya ay naging inspirasyon ng kanyang mga classmates and friends.

Sa direksyon ni Rechie del Carmen mula sa script ni Gina Marissa Tagasa based sa research ni Karen Lustica, mapapanood ito pagkatapos ng Starstruck sa Saturday, August 17.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with