^

Pang Movies

Kris kinulit si Gabby tungkol kay Sharon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris kinulit si Gabby tungkol kay Sharon!

Nagsimula na nga si Gabby Concepcion na mag-shooting ng Metro Manila Film Festival movie na (K)Ampon, first shooting day niya ay sorpresa siyang binisita ng kanyang leading lady na si Kris Aquino.

Hindi pa nagsisimulang mag-shooting si Kris kaya what she did, dinalaw na lang niya ang leading man sa first day of shoot nito at namigay ng mga pasalubong from Japan.

Ini-upload ni Kris sa kanyang YouTube channel ang video ng pagpunta niya sa shooting pati na ang interbyuhan nila ni Gabby.

Naaliw kami sa conversation nila tungkol sa infidelity na nagsimula nang mapag-usapan nila ang drama series ni Gabby sa GMA-7 na Ika-6 na Utos na nagtapos last year.

Ayon kay Kris, sinubaybayan niya ang nasabing serye at naka-relate siya.

“Naintindihan ko rin naman talaga na ang mga lalaki minsan, may kahinaan sa tukso. Parang ikaw,” sabi niya kay Gabby.

Sagot naman ng aktor, “alam mo, noong kabataan ko, maaaring totoo yan. Pero times have changed. Things are different now. Matagal na matagal na.”

Kaaliw din ang sabi ni Kris na “hindi ako makikipag-agawan. Ako’y pinag-aagawan. Hello!”

Pero ang isang importanteng natanong ni Kris kay Gabby ay kung next year daw ba ay puwede na kayang matuloy ang reunion movie nito with Sharon Cuneta na sinagot agad ng “yes” ng aktor kahit hindi pa man tapos ang tanong. “Gawin na natin, let’s shoot. When? First day?”

Tinapos ni Kris ang tanong at ganu’n pa rin ang sagot ni Gabby. “Di ba, sinabi ko na? I already answered you, when are we going to shoot? You didn’t even ask me that question but I knew it was coming.”

Dugtong pa ni Gabby, “bukas na,” na ang ibig sabihin ay shooting na bukas. Sagot naman ni Kris, tapusin daw muna nila ang (K)Ampon.

Sabi pa ni Kris, “I’m going to ask, if I text her, and I say you said that?”

Sagot naman ni Gabo, “game, matagal na akong go.”

Natuwa naman si Kris na isa rin palang fan ng Sharon-Gabby tandem at talagang bago natapos ang interbyu ay inulit-ulit niyang aasahan niya ang pag-oo na ito ni Gabo.

Well, let’s see kung matutuloy ito.

Ken gusto ring matulad kina Dingdong and Alden

Masayang-masaya rin si Ken Chan sa big success ng pelikula ng kapwa Kapuso star na si Alden Richards na Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo under Star Cinema.

“Congratulations sa kanila, sobrang laki ng kinita nila,” wika ni Ken nang makatsikahan namin sa launching ng kanyang bagong business, ang Ken Chan X Peculiar Eyewear.

When asked kung willing din ba siyang makipag-collaborate sa ibang production outfit tulad ng Star Cinema, “of course” agad ang sagot ni Ken.

Okay nga raw ‘yung nangyari rin kina Alden, Dingdong Dantes at iba pang Kapuso stars na naka-cross over sa Kapamilya network at napakaganda raw na makita na nagtutulungan ang mga network.

Samantala, sobrang excited na si Ken sa upcoming primetime romantic-comedy series nila ni Rita Daniela na One of the Baes na magsisimula na sa September.

“Happy kami ni Rita, after ng My Special Tatay (their last drama series), nag-uusap kaming dalawa kung ano ‘yung gusto naming gawing project. Sabi namin, “sana, love story. So, happy kami na binigay sa amin itong romantic comedy,” he said.

For this series ay nagpa-gray hair pa si Ken para naman daw maiba ang look niya at mawala ang trace ni Boyet na karakter niya sa My Special Tatay. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa mabitaw-bitawan ng mga tao si Boyet kaya talagang nag-isip siya ng way para totally ay maiba ang karakter niya ngayon kaysa sa dating role.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with