Kim Chiu, Maja Salvador
Dyowa ni Maja noon pa malapit sa ibang mga artista!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Ang Instagram post ni Lovi Poe ng picture nila ng mga kaibigang sina Heart Evangelista at Solenn Heussaff. “Reunited and it feels so good,” ang caption ni Lovi sa picture nilang tatlo.

Nag-comment ang boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez sa picture na ‘yon, “Lovely ladies.” Nakakasama na ni Rambo sa mga event ang tatlo.

Si Rambo ang tumutulong sa mga event ng nanay niyang si Marilen Nuñez kaya kahit noong bagets pa lang siya ay marami na siyang mga artistang ka-close.

Nawasak noon ang friendship kay Gerald, Maja at Kim, BFF na uli!

Speaking of Maja, marami ang natutuwa na sobrang close na uli sila ni Kim Chiu.

Nagkaroon ng intriga noon sa pagitan nina Maja at Kim dahil kay Gerald Anderson.

Nagkabati rin naman ang dalawa, pero lately lang naging close uli sila.

Noong weekend, magkasama ang dalawa sa New Jersey, USA dahil sa isang Kapamilya Fiesta event doon.

I just wonder — napag-uusapan kaya nila ang issue kina Gerald, Bea Alonzo at Julia Barretto?

Ang “triangle” naman kasi ng tatlo ang topic na hindi pinagsasawaan ng maraming mga Pinoy, ke simpleng tao o celebrity man, huh!

Hehehe!

Akting ni Xian, pinupuri

Ang boyfriend naman ni Kim na si Xian Lim, sobrang happy dahil sa appearance niya noong Saturday sa MMK (Maalala Mo Kaya).

Sobrang taas kasi ng nakuhang rating ng episode na pinagbidahan ni Xian.

New record high daw ang rating nila na 32.4% ayon sa Kantar Media National TV Ratings.

Sobrang happy nga raw ang mga taga-ABS-CBN sa rating ng MMK episode ni Xian at ang galing din niya roon! Sobrang napupuri rin ang akting niya sa #MMKSaveTheChildren episode!

Nice!

Ogie at Regine expert na sa biyahe

Sanay sa biyahe abroad ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid, pero mahirap talaga ang jet lag.

Noong Monday lang sila nakabalik sa Philippines at pahinga lang sila hanggang kahapon.

Maaga raw silang nakatulog noong Monday, pero kahapon, 3am pa lang ay gising na sila. “Pero buo naman ang tulog namin,” sabi ni Ogie.

Work na naman ang mag-asawa starting today!

‘Yun na!

KIM CHIU MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with