Rufa Mae Quinto
Rufa Mae tanggap na hindi na pang-bida!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Ayon kay Rufa Mae Quinto, akala niya ay hindi na siya makakabalik sa showbiz pagkatapos niyang magka-asawa at magka-anak lalo pa nga’t lumobo siya talaga  nang husto after giving birth.

“Saka parang pina-feel din naman sa akin ng ibang tao na tumatanda na ako,” sabi ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae) sa presscon ng comedy film nila ni AiAi delas Alas na And Ai Thank You.

Pero ginawa raw niyang halim­bawa si AiAi na 40 years old na nga nang mag-hit ang pelikulang Ang Tanging Ina at sumikat.“Pero hindi ko naman sinabing magiging ganu’n din ako ngayon, charot!” natatawa pa niyang sambit.

In fairness, dumating din naman si Rufa Mae sa puntong sikat na sikat siya at ngayon, alam naman daw niya kung saan siya nakalugar.

“Dumating na ako sa point na hindi kailangang pilitin ‘yung para sa ‘yo. Kaya di ba, producer din ako, kasi pag parang naiinip ako, okay, another project, tuluy-tuloy lang.

“Kasi na-realize ko, hindi pala ganu’n ang buhay. Huwag mong ipilit kung hindi para sa ‘yo. May timing din ang lahat. Saka siyempre, kailangan kong magpamilya and everything.”

Dagdag pa ng sexy comedienne, hindi naman daw siya nag-artista para maging Superstar. Ang gusto lang daw niya ay kumita ng pera dahil nga breadwinner siya that time.

“Kaya lang, nang sumisikat na nga, siyempre, na-appre­ciate ko naman ‘yung pagmamahal sa akin nun’g mga tao, ‘yung movies ko, nag-box-office. So, parang ginalingan ko na lang. Kumbaga, in-enjoy ko na,” sey pa niya.

Happy naman daw siya sa mga bagong komedyana na sumisikat at wala namang inggit.

“Okay lang sa akin na sumikat silang lahat at masaya ako para sa kanila, alam ko ‘yung feeling na from wala, sumikat, tapos, steady lang.”

Pero syempre, more than happy rin siya na nakabalik pa rin naman siya at sey nga niya, “Diyos na lang talaga ang nagbalik at tao.”

Sa And Ai, Thank You ay ginagampanan ni Rufa Mae ang papel na karibal ni AiAi na guma­ganap namang sikat na artista.

Showing na ito today, Aug. 14 mula sa direksyon ni Joven Tan. Kasama rin sa movie sina Dennis Padilla at Kakai Bautista hatid ng Reality Entertainment and Horseshoe Studios.

Gerald sumumpang magbabago na?!

Mukhang nangangako na ng pagbabago si Ge­rald Anderson kung pagbabasehan ang isa sa mga recent posts niya sa Instagram.

Isang quote mula sa Japanese author na si Haruki Marakami na hango sa nobela nitong Kafka On The Shore ang ipinost ni Gerald na tila sumasalamin sa kanyang huling kontrobersya na pinagdaanan with Julia Barretto and ex-girlfriend, Bea Alonzo.

“Once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you manage to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over.

“But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about.’ - haruki Murakami, Kafka on the shore ..” ang caption ni Gerald sa mga larawan niya na kuha mula sa kanyang training as reservist sa Philippine Army.

Umani ng libu-libong “likes” ang post na ito ni Gerald although naka-deactivate pa rin ang comments section.

RUFA MAE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with