Lani Mercado
Lani napa-oo agad bilang nanay ni Maine
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Excited ako sa filmfest entry ni Bossing Vic Sotto dahil nakita ko sa photo ng storycon nila na maraming artista ang may special participation.

Kasama sa cast ng pelikula nina Bossing at Maine Mendoza sina Pokwang, Jake Cuenca, Tonton Gutierrez at Lani Mercado.

Excited ako sa special participation ni Lani bilang nanay ni Maine. Fan na fan si Lani ni Maine mula pa noong AlDub days nila ni Alden Richards.

Nang sabihin ko kay Lani kung puwede siya na lumabas na nanay ni Maine sa pelikula, “Oo” agad ang sagot niya.

Matagal din na nabakante sa pag-arte si Lani dahil nga hinarap niya ng husto ang kanyang trabaho bilang mayor ng Bacoor City.

Apat na araw lang ang shooting ni Lani para sa Bossing-Maine filmfest movie at sure ako na hindi ito makakaapekto sa kanyang mga responsibilidad bilang ina ng Bacoor City.

Sec. Karlo mabilis kumilos

Type ko si Cabinet Secretary Karlo Nograles at gusto ko ang programa niya sa PTV4, ang Bangon Pilipinas.

Tama ang desisyon ni Secretary Karlo na gawin nito ang TV show para maging tulay siya sa office ni Papa Digong sa tuwing may mga lumalapit sa kanya para humingi ng tulong.

Maganda kapag bata at energetic ang mga member ng Cabinet dahil mabilis ang kilos nila, progressive sila na mag-isip at modern ang kanilang approach sa mga isyu.

Panahon na ngayon ng young leaders tulad ni Secretary Karlo na may wisdom ang desisyon niya na huwag kumandidato na senador at tulungan muna si Papa Digong Duterte sa mga pagbabago na gusto nitong mangyari sa gobyerno.

Isang tangkay si Secretary Karlo para sa tagumpay ng mga iniisip na pagbabago ng gobyerno. Kailangan natin ang kanyang mga progressive at aggressive idea. Saka basta nandiyan si Lynette tiwala ako, kasi nakita ko mga tinutulungan niyang mga trustworthy at dynamic politician.

UltraMega bazaar dinadagsa rin ng mga celebrity

Maraming choices for gift giving para sa parating na Christmas. Ang mga product na nakikita ko, mga young entrepreneur at mga bata na mahilig sa negosyo ang manufacturer. Very yummy at ang magaganda ang packaging ng mga produkto nila, ang Reese’s yema at peanut butter, ang bottled gulay ni Archie, ang Mama Chi’s chips at ang TR shoes ni Terrence Romeo.

Ang dami talaga na very practical na iregalo sa Pasko kaya naisip ko ang UltraMega bazaar na nagaganap every October sa PICC.

Sure ako na wholesale ang bibilhin ng mga pupunta sa UltraMega bazaar dahil gagawin nila na Christmas basket at ito ang kanilang ibibigay na Pamasko.

Tiyak na busy si Eloisa ng UltraMega dahil ngayon pa lang marami na ang inquiries tungkol sa bazaar na talagang pinupuntahan ng mga tao.

Makikita rin ang mga celebrity endorser sa UltraMega bazaar dahil dito ko nakita noon sina Jericho Rosales, Pokwang at si Megan Young.

LANI MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with