Dingdong Dantes, Gerald Anderson
Dingdong at Gerald may tapatan sa pagiging sundalo!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Magtatapatan pa yata ang Kapuso series ni Dingdong Dantes na Descendants of the Sun at ang series ni Gerald Anderson na kapwa tungkol sa buhay ng military ang tema.

Nauna nga lang nag-training si Dong at nakipagkita pa sa National Defense Secretary para malaman pa ang ilang impormasyon sa pagdepensa sa bansa.

Eh sa post naman ni Gerald, ibinalita nilang nagkaroon sila ng three-day military training para sa project. Kinabiliban niya ang dating child actor na si Nash Aguas na kasama niya sa training.“He showed strength and perseverance through our three day military training…he has the option of quitting many times…but he never backed out…he stayed with the team and did his best…he pushed through, lack of sleep, being wet for three days…lack of food and constant physical and mental challenge…he earned his badge.  Rangers!!!” caption ni Gerald sa foto ni Nash.

Ay, may katapat si Nash sa DOTS, si Paul Salas na sa fotos sa IG eh ipinamalas agad ang ganda ng katawan sa murang edad, huh! Guwaping pa si Paul, no?

Kathryn tadtad na ng butas sa tenga!

Nagpabutas muli ng tainga si Kathryn Bernardo at sa Dubai naman niya ipinaaayos ‘yon.

Sa Facebook page ng The Filipino Channel, may picture si Kath ng binutasang kaliwang tainga.“She’s so pierced! Kathryn Bernardo gets a new ear piercing in Dubai. In an interview last July, Kath explained that every piercing represents a special milestone in her life. Could this one be for the worldwide success of #HelloLoveGoodbye,” caption sa FB ng TFC.

Samantala, nakabalik na ng bansa si Alden Richards, leading man ni Kath sa pelikula.

Agad niyang kinumusta ang mga alagang aso pagdating sa bahay.

DINGDONG DANTES GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with