BB Gandanghari
BB pinaghirapan ang kapalaran
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Tama yung kasabihang “Magandang kapalaran ang naghihintay sa mga matiyaga at masipag”. 

Nagbunga rin ng maganda ang patuloy na pagtitiyaga ni Bb Gandanghari sa US. Kahit pagiging driver ng Uber ay pinasok niya huwag lamang umuwi ng kanyang bansa na bigo at walang narating. Sa online streaming siya naikuha ng project ng isang talent agency sa California na kumontrata sa kanya.

Bale dalawang projects na ang ginawa niya para dito, una ang Too Old To Be Young at ang pangalawa naman ay ang Glow ng Netflix na may pagkakataon na maipalabas dito sa bansa.

Hindi madaling humanap ng project ang isang transgender na tulad ng kapatid ni Robin Padilla pero, sa kanyang tiwala sa sarili at tiyaga ay unti-unti niyang nararating ang kanyang pangarap. Hindi mahirap ang trabaho rito sa atin, lalo na sa showbiz, sa mga taong gumawa na ng pangalan sa abroad,

Lloyd at Nora nagbalikan

Masayang malaman na balik-pelikula si Lloyd Samartino sa Isa Pang Bahaghari, pelikula ni Nora Aunor sa Heaven’s Best. This early ay nangangamoy award na ang pelikula ni Joel Lamangan na mukha namang hindi naapektuhan bahagya man sa ginawang pagtanggi dito nina Christopher de Leon at Tirso Cruz llI. Nagtambal na nun sa ilang pelikula sina Nora at Lloyd. Marapat lamang na balikan ng aktor ang trabaho na kung saan ay kinilala ang kanyang galing.

Angel, Paulo at JoshLia hataw din sa ibang bansa

Patuloy ang ABS-CBN sa pagpapalawak ng audience ng mga ginagawa nilang teleserye. Ang The General’s Daughter nina Angel Locsin at Paulo Avelino at ang Ngayon at Kailanman ng JoshLia ay matagumpay nilang nai-deal sa bansang Myanmar. Mas darami pa ang magiging followers ng mga nasabing serye at ng mga artistang Pinoy na gumaganap dito.

RS ipo-produce ang Miss U sa Pinas?!

Baka hindi na si Gov. Chavit Singson ang magprodyus ng Miss Universe 2019 na interesadong muli ang mga organizer na dito muli sa bansa ganapin. Nakita ang isang mataas na opisyal ng pamosong international beauty contest na nakikipag-meeting sa actor/producer/businessman na si Raymond Francisco kaya hinihinalang baka iniaalok niya rito ang pagi­ging producer ng Miss U 2019.

Tulad ni Gov. Singson, may kakayahan din si G. Francisco, with his very successful Frontrow company, na bigyan ng world-class exposure ang international beauty contest na apat na Pinay na ang nagiging winner (Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, Catriona Gray).

Gerald ‘ipinasa’ na sa Barretto sisters ang kontrobersiya nila ni Bea

Tama lamang na manahimik si Gerald Anderson sa kinasasangkutan niyang isyu/kontrobersya dahil habang sumasagot siya ay lalo siyang nalulubog sa intriga. Hayaan na lamang niya ang mga magagandang magkakapatid na Barretto na ipagpatuloy ang isyu. Move on na siya, matagal at mahihirapan siyang ibalik sa dati ang lahat, lalo na ang kanyang pag-aartista.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with