Joshua Garcia, Julia Barretto
Joshua at Janella tamis-tamisan sa taping!
Vir Gonzales (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Mukhang limot na si Julia

MANILA, Philippines — Mukhang naka-move on na si Joshua Garcia sa break-up nila ni Julia Barretto.

Sa taping ng The Killer Bride ay kitang-kita raw na masaya ang young actor na nakikipag-usap sa bida ring si Janella Salvador. Posible kayang magkagustuhan ang dalawa? Wala namang masama since single si Joshua at hindi rin naman maamin ni Janella ang relasyon sa isang young actor.

Saksi rin daw sina Maja at Jobelle Salvador na sweet ang dalawa tuwing magkasama.

Samantala, kapansin-pansin na napakaraming personalidad ang nakikisawsaw sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson lalo pa nga’t dawit si Julia.

Mukhang happy naman ang mga nakikisawsaw dahil napag-uusapan din sila everytime magbibitaw sila ng comment sa said issue. Paraan daw ito para mapag-usapan sila. Hahaha.

Yassi natatalbugan na nina Juday at Denise

Nakaka-intriga naman ang mga naririnig naming kwento ng mga netizen na tila raw nababaling ang atensyon ng bida ng seryeng Ang Probinsyano kina Judy Ann Santos at Denise Laurel. Kasalukuyang napapanood ang dalawa sa nasabing serye. Happily married ang role ni Coco sa karaktek ni Yassi Pressman.

Napansin din nila na palagi na lang off shoulder ang suot na damit ni Yassi mula pa noong manggaling siya sa Barangay San Antonio. Wala raw bang ibang alam ang stylist ng nasabing serye?

Samantala, dumarami ang karakter ng nasabing serye. Balitang pati si Charo Santos-Concio ay gusto ring magkaroon ng parte sa said series.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with