Rufa Mae Quinto
Rufa Mae nasasayangan sa offers kaya iniwan muna ang asawa
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Sexy pa rin si Rufa Mae Quinto kahit may baby girl na sila ng husband na si Trevor Magallanes, si Alexandria Athena. Nakausap namin si Rufa Mae sa mediacon ng And Ai Thank You na muli silang nagkasama ni Comedy Queen AiAi delas Alas.

Talagang pinili ni Direk Joven Tan si Rufa Mae na makasama ni AiAi sa movie nito. 

Bagay na bagay daw kay Rufa Mae ang role ng isa pang artista na kalaban ni Ai Ai. Unang nagkasama sina Ai Ai at Rufa Mae sa Booba in 2001 at sa Pasukob in 2007. Ang tagal na raw nilang hindi nagkasama ni AiAi kaya natuwa siya nang isama siya sa movie.

“Abangan ninyo ang tarayan at okrayan namin dito ni AiAi dahil ako ang mahigpit na karibal ng artistang character niya, as Aileen dela Rosa,” sabi ni Rufa Mae. “Pero ang husay-husay talaga ni AiAi.”

Long distance ang pagmamahalan nina Rufa Mae at Trevor. Isa kasing pulis sa California si Trevor.

“Para naman kaming hindi magkalayo dahil sa social media. Madalas din kaming pumunta ng anak ko sa kanya. Ako naman, nanghihinayang din ako dahil may mga offer namang dumarating dito, wala naman akong gagawin doon.”

Biniro si Rufa Mae na baka palitan siya ni Trevor ng ibang babae, hindi raw, sigurado raw siyang siya lamang ang mahal ng asawa. “Saka gusto pa naming sundan ng isa pang baby ang anak namin.”

Opening na today. August 14, ang And Ai Thank You, in cinemas nationwide.

Sanya pinag-iingat kay Gerald

Magkasama sina Kapuso actress Sanya Lopez at Kapamilya actor Gerald Anderson sa isang Performance Run last Sunday morning. Si Gerald ang namuno sa said fun run. Hindi lingid sa netizens ang issue kina Gerald, Bea Alonzo at Julia Barretto, kaya naman napakaraming nag-comment sa Instagram ni Sanya na mag-ingat daw siya.

Very busy kasi ngayon si Sanya dahil sabay siyang nagsu-shooting ng Isa Pang Pangarap with Ms. Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa under the direction of Joel Lamangan. Intended ang movie for the coming Metro Manila Film Festival sa December. 

May deadline ang submission ng finished movie sa September 20. Three times a week naman nagti-taping si Sanya ng Dahil Sa Pag-ibig na madalas ang mga drama scenes ay very straining. Napapanood ang soap daily after ng Bihag.

RUFA MAE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with