Janella Salvador at Joshua Garcia
Joshua at Janella nagkasundo dahil sa broken family
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 13, 2019 - 12:00am

Bagama’t parehong Kapamilya talents, ‘di gaanong magkakilala sina Janella Salvador at Joshua Garcia. Yes, not until nagsimula silang mag-taping for their first series together, ang The Killer Bride, na nagsimulang umere kahapon.

Both 21 years old, they discovered na marami silang pagkakapareho, isa na rito ang pagiging parte nila ng isang broken families.

“We both discovered, though, we both have remind close sa aming ama’t ina.

“In my case, naka-close ko lang talaga ng husto ang mother ko (Janine Desiderio) lately. And I, likewise, realized I love her so much,” pagtatapat ni Janella.

Janella’s Dad is rock singer Juan Miguel Salvador.

In Joshua’s case, he was left sa kanyang ama nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ngayon ay dinadalaw pa rin niya ang kanyang ina kahit kasal na ito sa iba.

Of The Killer Bride, directed by Dado Lumibao, trailer pa lamang ng series ay pinag-usapan na. Napaka-intense nga naman kasi ng mga eksenang ipinalabas, lalo na nang nasusunog na si Maja Salvador sa kulungan.

“I can’t wait na mapanood ‘yung supposed eksena kong sumanib ako kay Ate Maja and the harm I could create habang supposedly possessed ako as the Camilla dela Cuesta character,” patuloy pa ni Janella.

By now, everyone would know na bukod kina Janella, Joshua at Maja, kasama rin sa The Killer Bride sina Geoff Eigenmann, Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicoles, Keanna Reeves, Sam Concepcion, Lara Quigaman, Ariella Arida and Eddie Gutierrez at ang nagbabalik na si Aurora Sevilla.

Pagbubuntis ni Anne ini-expect na

O ayan ha. Ngayong buntis na si Solenn Heussaff with her first baby sa husband niyang si Nico Bolzico, will Anne Curtis, her sister-in-law follow suit?

Si Anne, of course ay asawa ng kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff, they have been married for close to two years now, and lets face it, Anne now in her mid-30s is not getting any younger.

Anne has been so very busy. Aside sa kanyang daily program na It’s Showtime, she has been doing films, too. And the latest is Just A Stranger with Marco Gumabao as her leading man.

Ang kuwento ng Just A Stranger ay inakma sa edad nina Anne at Marco. Magkakaroon ang dalawa ng relasyon, bagama’t malaki ang gap ng kanilang edad.

Ayon kay Anne, sobrang maraming intimate scenes sila ni Marco na alam daw ni Erwan, since ipinabasa niya rito ang script bago niya tinanggap ang pelikula.

Second team-up na ito nina Anne at Marco, who first did the movie Aurora together last MMFF.

AiAi kating-kati nang magkaanak

Effective January next year, wala na munang balak si AiAi delas Alas na tumanggap ng kahit anong gawain, pelikula and TV shows, especially.

Magpapahinga daw muna kasi siya ng husto, as she promised daw husband Gerald Sibayan na bibigyan niya ito ng anak. Determined daw siya na magbuntis next year.

As it is nga raw kasi, may naka-reserve na siyang embryo. All that is needed is the go-signal daw ng kanyang doctor kung kailan siya puwedeng magbuntis.

Otherwise daw, she will not mind submitting to IVF (In Vitro Fertilization) tulad nang ginawa nina Korina Sanchez at former Senator Mar Roxas, na ngayon ay parents na to twins Pepe and Pilar.

Ang mahalaga, mabigyan daw niya ng anak si Gerald. Kaya huling movie na muna ni AiAi itong And Ai Thank You, co-starring her with Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista at Juliana Parizcova Segovia, first winner ng It’s Showtime Miss Q and A, directed by Joven Tan, bukod sa tinatapos niyang movie with Coco Martin at Jennylyn Mercado na possible entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Tatlo bale ang malalaki nang anak ni AiAi, two of whom are with former actor-singer, Miguel Vera.

Sa Miyerkules magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang And Ai…

Personal…

Correction lang po, August 22 ang birthday ni Phillip Salvador, ang birthday naman ng the late FPJ (Fernando Poe, Jr.) ay August 20.

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with