_pang-masa
^
Iza at Ben postponed muna ang planong baby
Iza Calzado at Ben Wintle

Iza at Ben postponed muna ang planong baby

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 13, 2019 - 12:00am

Ready na sanang magkaroon ng first baby sina Iza Calzado at Ben Wintle this year, pero hindi raw muna matutuloy. Ayon kay Iza, next year na raw lamang sila magta-try dahil ang dami pa niyang commitments na gusto niyang tapusin this year. Very patient naman si Ben na maghintay.

Naunang tinapos ni Iza ang Pandanggo Sa Hukay, na isa sa naging entries sa katatapos na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

 Sisimulan ni Iza ang MNL/HK/NY movie with Congressman Alfred Vargas na ididirek ng comebacking film and TV director na si Mac Alejandre kapag natapos na siya ng shooting ng Culion, ang historical movie na sinulat ni Ricky Lee at dinidirek ng award-winning filmmaker na si Alvin Tapan. Produced ito ng IOptions Productions at isa rin sa producers si Iza, na excited na ring matapos ang movie.

“Ang Culion daw ay kuwento ng pag-asa. For so many years ay ginawang leper colony ang Culion nu’ng 1940s,” sabi ni Iza.  “Tingnan natin kung ano na ang Culion ngayon sa paglalahad nito sa movie.”

Balak din nina Iza na i-submit ang Culion as a finished film sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), na deadline na sa September 20.

Alden magkasabay na ipino-promote ang Hello, Love… at bagong serye!

Wala kaming masabi kay Alden Richards, umalis siya ng bansa last August 8 for The United Arab Republic para sa premiere night ng Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo sa Dubai at Abu Dhabi plus meet and greet with the Filipino fans doon.

Last Sunday, nag-post lamang si Alden na nasa Sheikh Zayed Grand Mosque, nakasuot siya ng traditional clothing na kandura. “Got to learn a little more about the religion and culture. Praying to come back soon with my family when the weather’s cooler. Inshallah.” 

Summer kasi ngayon doon. Umalis sina Alden at Kath last Sunday evening at dumating sila rito ng Monday, 9:00am.

Pero si Alden, nag-freshen up lamang dahil 1:00pm ang call time niya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Gift at tumuloy na siya sa Divisoria. Isang big scene daw kasi ang kukunan ni direk LA Madridejos.

May ilan pang commitments si Alden para sa HLG nila ni Kath at masasabay na rin ang pagpu-promote niya ng The Gift sa regional mall shows, mauuna sa Kadayawan Festival sa Davao, on August 23.

BEN WINTLE IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with