^

Pang Movies

Lucas Garcia masuwerte kahit talo sa Idol Philippines

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Lucas Garcia masuwerte kahit talo sa Idol Philippines
Lucas Garcia

Muling nagpakitang gilas si Lucas Garcia nang mag-guest ito last Sunday sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Maaaring hindi nga siya nanalo bilang grand winner sa katatapos na Idol Philippines kung saan hurado rin si Vice, nakakuha naman siya ng maraming fans na nagmamahal at sumusuporta sa kanya ngayon.

Hindi lang mahusay si Lucas sa pagkanta, ibang level din pala ang pagkakomed­yante nito at pagka-witty kaya madalas siyang paglaruan ni Vice.

Aminado si Lucas noon na pa-meryenda at ulam lang ang ibinibigay sa kanya sa tuwing magpe-perform siya, ngayon ay bongga na raw ang kanyang talent fee.

Dahil sa kanyang versatility ay may posibilidad na mas malayo pa ang mararating nito at posible na ring matupad ang pangarap niya para sa kanyang nanay.

Mahusay makipagbatuhan ng linya si Lucas pag si Vice ang kanyang kausap, sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataong maging co-host din ng huli.

Inaabangan ng fans kung isasama na rin ba ni Vice si Lucas sa kanyang mga show pati sa abroad.

vuukle comment

LUCAS GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with