Pauleen Luna
Pauleen gustong idemanda ang nagkalat ng pekeng picture nila ni Vic
Gorgy Rula (Pang-masa) - August 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Galing pala si Mother Lily Monteverde sa studio ng Eat Bulaga sa Cainta bago siya tumuloy sa CCP para sa world premiere ng Mina-Anud na napiling closing film ng Cinemalaya 2019.

Tuwang-tuwa si Mother Lily sa pagkuwento na nakipaglaro siya kay Baby Talitha na napakakulit na bata.

“Ang cute cute ni Baby Tali!” bulalas ni Mother Lily.

Kaya sa sobrang tuwa sa bagets, dinatungan niya ito.

Proud na proud naman si Vic Sotto sa anak nila ni Pauleen Luna dahil ang cute raw ng kakulitan nito.

“Cute naman ang kulit niya, hindi yung nakakainis,” nakangiting pahayag ni Bossing Vic nang napag-usapan namin ito sa nakaraang story conference ng Metro Manila Film Festival movie niyang Mission Unstapabol: The Don Identity.

“Ayaw niya kasi magpakarga. Gusto niya hayaan mo lang siya, pero akala mo kaya niya, hindi naman. Maya-maya nadadapa na siya,” napapangiti pa niyang kuwento.

Kaya naman si Pauleen ay hindi na makakatanggap ng guestings sa TV dahil ayaw niyang matagal-tagal na mapalayo kay Baby Tali.

“Nakukusensya ako kuya,” sabi niya sa akin.

“Mommy kasi nang Mommy pag wala ako. Kaya gusto lagi ako sa kanya,” sabi pa niya.

Hindi naman daw niya puwedeng dalhin lagi. Sa Eat Bulaga studio lang pumapayag si Bossing Vic dalhin nila ang bagets. Kaya naka-focus na lang siya ngayon sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Samantala, medyo nasira ang mood ni Pauleen nang tinanong ko siya tungkol sa kumalat na throwback picture ni Vic na may kalung-kalong na cute na baby.

Ang nasa caption kasi ng kumalat na litratong iyun; “Vic Sotto and Pauleen Luna. Akalain mo, sila pala ang magkakatuluyan. Kaya sa mga single diyan, wag kayong mag-alala baka yung forever nyo fetus pa.”

Kinlaro ni Pauleen na hindi siya yung baby. Si Paulina raw iyun, ang anak ni Bossing Vic kay Angela Luz.

“Hindi ako yun kuya! Si Paulina yun. Sarap nga idemanda yung site na nag-post niyan!” text sa akin ni Pauleen.

Mabuti at hindi pa raw ito nakarating kay Bossing Vic kaya hinahayaan na lang niya. Pero unfair naman daw sa asawa niyang basta na lang paglaruan nang ganun.

Siya raw iyung isang video ng Little Miss Philippines na bagets na ini-interview ni Bossing Vic.

Nasa six years old daw siya noon at iyun lang ang chance nagkita sila ni Bossing Vic nung bata pa siya.

Pero iyung sanggol na kalong ng EB host ay si Paulina raw iyun mga edad isa o dalawang taon.

Gusto na lang niyang dedmahin ang mga ganung pinaglaruan si Bossing Vic sa social media, pero minsan naiinis na raw siya at gusto na niyang patulan.

Dennis nagse-self study sa pagdidirek

Congratulations sa successful world premiere ng Mina-Anud na napanood namin sa CCP nung nakaraang Linggo.

First directorial job ito ni direk Kerwin Go ng isang full-length film dahil mga commercials ang ginagawa niya.

Kaya ang laki nang pasasalamat niya kay Roselle Monteverde na nagtiwala raw sa project na ito pagkatapos daw tanggihan ng ilang producers.

Tuwang-tuwa naman si Mother Lily sa pelikula lalo na sa eksenang nagsasayaw ng budots ang ilang cast, sumasabay din si Mother sa pagsasayaw.

Excited naman ang bida ng pelikulang ito na si Dennis Trillo dahil iba raw talaga kapag sa Ci­nemalaya pinapanood ang pelikula mo.

Nakagawa na siya ng pelikula para sa Cinemalaya at iba raw ang experience kapag dito sa CCP ipinapalabas.

Nabanggit din niyang naiisip na rin daw niyang magdirek ng isang pelikula.

Pinag-aaralan na nga raw niya ito ngayon.

“Ang directing, matagal ko na siyang pinag-aaralan. Matagal na akong nagsi-self study, pero…eventually baka pagkatapos ko magtrabaho sa harap ng camera, baka sa likod naman ako,” pahayag ng Kapuso Drama King.

Sa August 21 na ang commercial run nito at sana nga magustuhan daw ang kakaibang style ni direk Kerwin Go sa pelikulang ito na napapaghalo niya ang comedy sa isang tema ng kuwento na seryosong pinag-uusapan ng lipunan.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with