KZ gagawa ng collaboration kay Randy Jackson
Masaya si KZ Tandingan dahil siya ang napiling kumanta ng Halik sa Hangin na official sound track ng bagong serye nina Maja Salvador at Janella Salvador na The Killer Bride.
Hindi naman maiwasang maikumpara ang version niya sa version nina Ebe Dancel at Abra na ginamit naman sa pelikula nina Julia Montes at Gerald Anderson na Halik Sa Hangin mismo ang pamagat.
Parehong maganda ang version ng mga nasabing mang-aawit, pero ang kaibahan lang ay mas modern na ang kanta ni KZ, parehong horror ang tema ng The Killer Bride at Halik Sa Hangin, pero masasabing mas nagmukhang nakakatakot pakinggan ang version ni KZ.
Samantala, nag-post si KZ ng pictures sa kanyang Instagram account kasama ang former American Idol Judge na si Randy Jackson.
“Man. I still can’t believe this happened. I got to talk to you about my dream and my passion. &&& I learned a lot and heard amazing stories from you! Thank you sir @randyjackson, I’m excited for the future! #neverstopthegigil,” caption ni KZ.
Walang binanggit ang singer kung ano ang kanilang napag-usapan o gagawin, pero hinala ng fans na gagawa ng collaboration ang dalawa.
Ilan naman sina Martin Nievera, Denise Laurel, Liezel Garcia, Kyla at Zsa Zsa Padilla sa mga unang bumati sa kanya.
- Latest