^

Pang Movies

Dingdong pa-suspense pa rin sa makaka-partner na diktora

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dingdong pa-suspense pa rin sa makaka-partner na diktora

All set na si Dingdong Dantes sa Descendants of The Sun and in fact, puspusang paghahanda na talaga ang kanilang ginagawa to make sure na nasa ayos ang lahat.

Matatandaang sumailalim na nga siya sa 2-day training kamakailan sa Special Forces School sa Magsaysay, Nueva Ecija kasama ang kanyang mga co-stars na sina Rocco Nacino, Paul Salas, Prince Clemente, Jon Lucas and Lucho Ayala.

Last Friday ay nag-courtesy call naman sina Dingdong and Rocco sa Camp Aguinaldo at i-meet ang mga officials ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa serye.

Ibinahagi ni Dingdong sa kanyang recent Instagram post ang nasabing pagkikita nila nina Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, AFP Chief of Staff, General Benjamin Madrigal, Jr. at iba pang opisyales.

“Talaga namang very well loved ang #DescendantsOfTheSun dito sa Pinas, at isa na ako sa mga tagahanga ng Korean masterpiece na ito. Kaya’t malaki talaga ang aming responsibilidad na pagandahin ito at gawing naaayon sa gusto naming mga fans (naks)!

“And because we have very big shoes to fill, humingi kami ng basbas mula sa ating top National Defense and Armed Forces officials para matulungan nila kaming magampanan ng tama at maayos ang roles namin bilang mga sundalo. Maraming salamat kay Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, at kay AFP Chief of Staff, General Benjamin Madrigal, Jr., kasama rin sina BrigGen Edgard Arevalo, at MGen Antonio G. Palarde Jr.,” bahagi ng pahayag ni Dingdong.

Wala pang nabanggit ang aktor kung sino ang magiging leading lady niya o gaganap na Beauty/Dra. Kang. Maging ang GMA-7 ay hindi pa rin nagbibigay ng announcement tungkol dito at ito ngayon ang pinakaabang-abangan ng lahat.

Ana Ramsey may kakaiba ring tunog

Isang bagong pinto ang magbubukas para kay Ana Ramsey sa paglulunsad ng kanyang awitin na Tahan, na tumatalakay sa paghihirap ng isang nalilitong puso mula sa Star POP.

Ayon sa Kapamilya singer, kinilabutan siya noong unang beses na pinakinggan niya ang kanta. “Kasi may tatlong songs na iprinesent sa akin tapos nung time na pinakinggan ko ito, may kilabot, may recall ako agad dun sa chorus, so sabi ko ang ganda-ganda,” kwento ni Ana sa ginanap na pag­lulunsad ng “Tahan” music video.

Bukod sa pagiging DJ, nabiyayaan din ng talento sa pag-awit, pagsusulat ng kanta at pagho-host si Ana. Hindi na siya bago sa larangan ng pag-awit dahil noong 2010, sumali siya sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar, habang noong 2014 naman ay nanalo ng gold medal sa 2014 EuroPop Festival na ginanap sa Germany.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang bagong Star Pop artist ay apo rin ng namayapang Queen of Rock and Roll na si Elizabeth Ramsey at pamangkin ng Queen of Soul na si Jaya. Gaya nila, mayroon ding kakaibang tunog si Ana na nararapat magkaroon ng mas maraming tagapakinig.

Sa kabila ng pressure ng pagiging isang ‘Ramsey,’ hindi ito alintana ni Ana. Anya, “Siyempre tumatak sila dito sa industriya, maganda yung mga ginawa nila at gusto ko pong sundan yung mga yapak nila pagdating sa pag-perform, sa pagkanta at sa pag-inspire sa mga tao gamit ang musika.”

Panoorin ang official music video ng Tahan sa MYX at sa YouTube channel ng Star Music. Pakinggan din ito sa Spotify, Apple Music at iba pang digital stores.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with