^

Pang Movies

Raymond magko-coach sa Cebu

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Raymond magko-coach sa Cebu

Si Raymond Gutierrez sa Ironman weekend kahapon sa Cebu.

Ang Philam Vitality kasi ang sponsor this year ng Ironman doon, kaya special guest ang twin-brother ni Richard Gutierrez.

Nabanggit ni Raymond na three years ago ay hindi pa siya physically fit, kaya ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magsasalita siya roon.

Ngayong araw na ito ay si Raymond ang magli-lead ng workout na part din ng Ironman weekend sa Cebu.

Next year, pinag-iisipan ni Raymond na sumali mismo sa Ironman.

Samantala, nasa event din na ‘yon si Liz Uy, pero hindi naman siya kasali sa Ironman. Nandoroon siya para suportahan ang kanyang boyfriend na magre-race bukas.

Magre-race rin bukas sina Bubbles Paraiso at Kim Atienza.

Wala naman sa event na ‘yon this year sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli dahil may conflict daw sa brand na ine-endorse nila ang major sponsor ng event na ‘yon.

Kyla may bagong ilalabas na kanta

Mula sa ASAP Natin ‘To in Bay Area sa San Jose, California ay nagpunta si Kyla sa Los Angeles para mag-recording.

Ayaw sabihin ng kaibigan ko na kasama ni Kyla kung para saan ang recording na ‘yon.

Pagbalik nila sa hotel na tinutuluyan ni Kyla ay nakita naman doon ng friend ko sina KZ Tandingan at Inigo Pascual na nakasama rin sa ASAP sa San Jose.

Maraming mga nakasama sa show na ‘yon ang nagpunta ng L.A. after.

Samantala, mapapanood bukas sa ABS-CBN ang part one ng ASAP Natin ‘To in Bay Area.

Next Sunday naman ang part two.

Jane aabangan sa ABS-CBN Ball

Ang 2nd ABS-CBN Ball sa September 14 na gaganapin sa Shangri-La The Fort ang next big event ng Kapamilya network.

Modern Filipiniana ang theme ng bonggang event ng Dos.

Naghahanda na ang ABS-CBN stars, executives and production people para sa big event na ‘yon.

Last year, may ibang GMA-7 stars ang invited doon.

Tiyak nga palang aabangan sa event na ito si Jane de Leon, ang bagong Darna!

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with