^

Pang Movies

Robin at Mariel umaming hiwalay na sa kama!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin at Mariel umaming hiwalay na sa kama!
Robin Padilla, Mariel Rodriguez

Hindi sinasadyang maibuking ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa guesting nila sa Magandang Buhay na hindi na sila natutulog sa isang kwarto.

Si Binoe ang unang nag-reveal at biniro siya ni Mariel na “parang aping-api ka naman.”

Pero mabilis namang ipinaliwanag ni Mariel na choice raw ‘yun ng mister.

“Pero choice niya yun, kasi dati nung nagbi-breastfeed ako lagi, every two hours ako nagigising. Eh nung time na yun he was going to shoot movie with Megastar (Sharon Cuneta).

“So kinailangan mong matulog kaya humiwalay ka muna. Tapos naging ano na.. naging permanent na yun…” sabi ni Mariel.

Pero pagkatapos naman daw niyang magpatulog ay bumababa siya ulit para makasama ang mister. At aakyat na lang siya kapag matutulog na.

Sey naman ni Binoe, “romantic nga, eh. May mga paghihiwalay sa madaling-araw, may mga paalaman pa sa terrace.”

Ang nakakakatawa ay nagte-textan pa raw sila kapag maghihiwalay na at aakyat na si Mariel sa kuwarto nito with Isabella.

Pero sa kuwarto lang naman magkahiwalay ang mag-asawa dahil sweet na sweet pa rin naman sila at sey nga ni Binoe, hindi raw magbabago ang pagmamahal niya kay Mariel.

Kasalukuyang buntis ang TV host sa 2nd baby girl nila ni Robin at nakatakda na siyang mag-take ng maternity leave dahil sa Amerika siya ulit manganganak kung saan din niya ipinanganak si Isabella.

Kaya medyo matagal-tagal din natin siyang hindi mapapanood sa It’s Showtime at sobrang thankful si Mariel sa ABS-CBN for allowing her to take a leave.

Raffy Tulfo gustong aregluhin sina Julia, Gerald at Bea!

Naki-join na rin si Raffy Tulfo sa napaka-kontrobersyal na issue nina Julia Barretto, Gerald Anderson at Bea Alonzo. Sa programa niya sa News5 ay nagbiro siya na iniimbitahan niya ang tatlo para ayusin ang hindi pagkakaintindihan ng tatlo.

“Bukas ang tanggapan namin anytime para kay Gerald, Bea, Julia. Monday to Friday, punta kayo rito, punta kayo rito sa Aksyon Center,” sabi ni Raffy sa video na napanood namin.

Dagdag pa niyang biro, magpapa-ice cream daw sila at may masahe pa habang naghihintay.

“Kasi kumakalat sa social media, nagkakasiraan lang kayo, nagkakasakitan na,” sey pa niya.

Team Areglo na lang daw ang dapat gawin at huwag nang mag-away-away.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with